Rendon Labador hinamon ng suntukan si Ion Perez



Hinamon na ng suntukan ng social media personality na si Rendon Labador ang TV host-model na si Ion Perez.

Walang intro-introng hinamon ng suntukan ng motivational speaker na si Rendon Labador si TV personality Ion Perez matapos siyang paringgan umano ng asawa ni Vice Ganda na may gusto siya rito.

Sa Instagram story, nanggagalaiting binarag-barag ni Rendon si Ion.

"Oo gusto kita! Gusto kong basagin yang pag mumuka mong hayup ka! Suntukan tayo! G?!" challenge ni Rendon.

Paliwanag ni Rendon, tatantanan na sana niya ang isyu sa pagdila nina Ion at Vice ng icing sa "It's Showtime" segment na "Isip Bata" pero muling kumulo ang dugo niya sa post ni Ion sa social media.

"Ilabas ang resibo!! Gusto ako nyan kaya siya ganyan," sabi ni Ion sa Instagram story.

"Ayaw ko sanang patulan kasi nonsense na, sinita ko lang kayo kasi duty ko ang mag tama ng nakikita kong mali. Wala naman akong pakialam sa kahayupan ninyong dalawa, prinoptotektahan ko lang ang mga batang nanunuod. Pero kung ako pinariringgan mo sa ig story mo at matapang ka talaga...Suntukan tayo! G?!" sambit ni Rendon.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo