Pastor dinakip ng CIDG sa reklamong kahalay4n
Nadakip si Pastor Romeo Nuñez, residente ng Kalikasan Homes sa Wescom Road, Brgy. San Miguel dakong alas-9:50 ng gabi. sa Liberty, Brgy. Bagong Sikat noong Marso 27.
Pinangunahan ni P/Maj. Joseph Severino ng CIDG ang operasyon para isilbi ang warrant na inisyu ni Judge Enrique Selda ng Branch 3 ng Municipal Trial Court in Cities, Fourth Judicial Region na may petsang Marso 23, 2023.
Inirekomenda ng korte ang piyansang P36,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan habang dinidinig ang kasong paglabag sa Article 336 ng Revised Penal Code.
Si Nuñez, isang senior pastor ng Jesus Christ The River of Life Church, ay isang kandidato sa pagka-alkalde sa Puerto Princesa City noong 2022 national and local elections.
Comments
Post a Comment