Coco Fans Libre Entrance Uni Drinks sa Bar ni Rendon Labador
Ani Rendon, may "take two" ang grand re-opening ng kanyang bar sa Quezon City matapos itong hindi tauhin nang una itong buksan sa publiko noong isang linggo.
"Babangon tayo ng mas malakas! Para malaman ninyo na business lang at walang personalan," sey ni Rendon.
"Sa lahat ng Coco fans ililibre ko na ang entrance ninyo at free unlimited drinks pa! Para sa inyo ang party na ito #CocoFansParty #stayMotivated," dagdag niya.
Unlimited drinks din sa mga ladies mula alas-9 hanggang alas-11 ng gabi, anunsyo niya.
Ngayong araw at bukas gaganapin ang grand re-opening ng bar.
Comments
Post a Comment