2 suspek sa Degamo slay, sinabing si ‘Cong. Teves’ ang utak sa krimen



Isang ‘Congressman Teves’ umano ang nag-utos para ipapatay si Governor Roel Degamo, batay sa pahayag ng dalawa sa mga naarestong suspek.

Sinabihan din umano sila na dr*g lord ang kanilang target at matagal nang nakaplano ang pag-atake.

Ito ang pangalan ng mastermind na itinuturo ng dalawang suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental governor Roel Degamo. Hindi nabanggit ang kumpletong pangalan at kung sinong Teves ang kanilang tinutukoy.

Ayon naman kay Justice Sec. Boying Remulla, kapag nabasa na niya ang pahayag ng mga suspek na isinasangkot ang isang "Teves" ay gagawin nila itong basehan sa pagsasampa ng anumang kaso.

Una nang iginiit ni 3rd District Negros Oriental Rep. Arnie Teves na wala siyang kinalaman sa naturang krimen, pati na ang kapatid niyang si Henry Teves na nakalaban ng gobernador sa nagdaang eleksyon.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo