TikTok user na nagbanta sa buhay ni BBM, sumuko sa NBI
Kinumpirma ng National Bureau of Investigation na sumuko na ang TikTok user na nagbanta ng assassination laban kay presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. Una nang sinabi ng PNP na natukoy na nila ang Tiktok user na nagbanta sa buhay ni Marcos at patuloy ang kanilang digital trail para sa pagsasampa ng kaso at pag-iisyu ng warrant of arrest.