Posts

Showing posts from December 14, 2021

De Lima, tutuldukan ang Candidate Substitution

Image
Naghain ng isang panukalang batas si Senador Leila De Lima na naglalayong tuldukan ang pang-aabuso sa batas na pinapayagan ang substitution ng kandidato sa pambansa at local na halalan. Ayon kay De Lima, layunin ng panukala na amendahan ang Section 77 ng Omnibus Election Code at isama ang modipikasyon na inihain sa Section 12 ng Republic Act No. 9006 (Fair Elections Act) sa harap ng election automation at printed ballots. “Kailangang matigil na ang ganitong sistema ng panlilinlang sa taumbayan ng mga indibidwal at partidong akala mo ay kontrolado nila ang batas kung kanilang paglaruan at paikut-ikutin,” sabi ni De Lima.

Pangulong Duterte, umatras sa pagtakbong senador sa Halalan 2022

Image
Binawi na ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes ang kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-Senador para sa Halalan 2022. Ang pag-atras ng pangulo ng bansa ay nangyari sa kaparehong araw na binawi rin ni Senador Christopher "Bong" ang kaniyang COC sa pagtakbong pangulo sa darating na halalan. “The President has filed his withdrawal from the Senatorial elections,” anunsyo ni Comelec spokesperson James Jimenez. Nauna nang italaga si Duterte ng partidong PDP-Laban na pinangungunahan ni Energy Secretary Alfonso Cusi, bilang vice presidential bet ng partido sa Halalan 2022. Pero iginiit ni Duterte na nais na niyang magretiro sa pulitika pagkatapos ng kaniyang termino bilang pangulo sa June 30, 2022. Gayunman, noong isang buwan, naghain siya ng COC sa pagka-senador sa ilalim ng substitution. Pinalitan niya si Liezl Visorde ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS). Dalawang araw bago ito, naghain si Go ng substitute COC sa pagka-presidente, sa ilalim din