Posts

Showing posts from December 1, 2021

Death certificate ni Jonel Nuezca isinapubliko na

Image
Isinapubliko na ng mga awtoridad ang Death Certificate ng dating pulis na si Jonel Nuezca na pumatay sa mag-inang Gregorio sa Tarlac noong nakaraang taon. Si Nuezca ay nasa loob ng bilibid ng ito ay mamatay. Ayon sa BuCor, bigla na lamang siyang nag-collapse habang naglalakad papunta ng ospital ng Bilibid at kalauna’y binawian din ng buhay. Sa parte ng Cause of Death sa kanyang Death Certificate, makikita ang mga salitang "DOA UNDETERMINED, FOR AUTOPSY." Ito ay nangangahulugan na ang mga medical personnel ay hindi pa lubusang matukoy kung ano ang aktwal na sanhi ng pagkamatay ni Nuezca. Maaalalang hinatulan si Nuezca ng husgado ng “guilty” sa pagpaslang sa mag-inang Sonia at Frank Anthony Gregorio matapos ng mainit na pagtatalo tungkol umano sa ingay ng “boga” at right of way noong nakaraang taon.

Jonel Nuezca, pumanaw na nitong Martes ng gabi

Image
Pumanaw na si dating Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca na sangkot sa pagpatay sa mag-inang sina Sonia, at Frank Anthony Gregorio sa Tarlac noong Disyembre 20, 2020, sa New Bilibid Prison Hospital. Ito ay kinumpirma ni Bureau of Corections spokesperson Gabriel Chaclag, nitong Miyerkules sa pamamagitan ng isang text message.   Ayon kay Chaclag idineklarang patay si Nuezca 6:44 ng gabi nitong Martes. Ayon pa kay Chaclag dinala umanong walang malay ng mga kapwa preso si Nuezca sa New Bilibid Prison hospital matapos umano nitong mahilo, at mag-collapse.  "He was brought unconscious to the New Bilibid Prison hospital by his cell mates at 6:30 PM yesterday while walking outside the dormitory purposely to go to the hospital after complaining of dizziness. But while walking, he collapsed."   Dagdag pa niya, hindi pa umano kumpirmado kung ano ang totoong ikinamatay ni Nuezca.   "Investigation is ongoing, to determine if there is foul play , in the incident."  Nasawi