Sen. Pacquiao kumpiyansang makukuha ang boto sa Visayas at Mindanao
Kumpiyansa si Presidential aspirant Sen. Manny Pacquiao, na makukuha niya ang suporta ng mga botante sa Visayas at Mindanao sa darating na 2022 elections. "Pagdating kasi sa Presidente, I’m sure yung mga Mindanaoan tsaka Bisaya, maso-solid ko naman siguro yun dahil pareho kaming mga Bisaya. Siyempre, saan pa boboto yung mga Bisaya? Sa kapwa Bisaya," sabi ng senador sa isang courtesy call kay Bulacan Governor Daniel Fernando. Si Pacquiao, na tumatakbo sa ilalim ng partidong PROMDI, ay tubong General Santos City at naninirahan din sa lalawigan ng Sarangani. Samantala, ibinasura ni Pacquiao ang mga pahayag na ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbong senador sa susunod na taon ay isang pakana para maagaw ang kontrol sa Senado. Sinabi ng boksingero na naging mambabatas na ang mga senador ay independyente at hindi maaaring diktahan ng sinuman. "I am not in a position para husgahan ang Pangulong Duterte pagdating sa kanyang desisyon sa pagtakbo. The Sen