Posts

Showing posts from October 26, 2021

Ang matalinong payo ni VP Leni sa vote buying

Image
Nagbigay ng payo si Vice President Leni Robredo kung paano ihahandle ng mga ordinaryong tao ang vote buying, na maaari umano nilang tanggapin ang pera na iniaalok ngunit iboto pa rin ang kandidatong gusto nila. "Lagi kong sinasabi, tanggapin niyo kasi galing sa inyo 'yan. Pera 'yan ng taumbayan. Pero iboto mo kung ano ang nasa konsiyensiya mo," sabi ni Robredo. "Pakiramdam nila, may utang na loob sila kasi tinanggap nila ang pera, pero hindi. Kapag namimili ng boto at iyong resulta ng eleksyon ay talo siya, mag-iisip na 'yun na hindi effective ang pagbili ng boto," Dagdag niya. Sinabi ni Robredo na bagama't ilegal ang pagbili ng boto, mahirap mahuli ang mga salarin dahil hindi ito ginagawa sa publiko, at sa ngayon ay maaari pa ngang gawin sa pamamagitan ng electronic transfers. Idinagdag pa ng Bise Presidente na hindi dapat hayaan ng mga botante na takutin sila ng mga mamimili ng boto sa pagsusumite dahil mananatiling lihim ang kanilang boto.