Posts

Showing posts from October 6, 2021

VP Leni Robredo tatakbong pangulo sa 2022 election

Image
Opisyal na inanunsiyo ni Bise Presidente Leni Robredo na tatakbo siya sa pagka-pangulo sa Halalan 2022. Ngayong araw, Oktubre 7 ay nagpahayag na kaniyang plano si Robredo sa pamamagitan ng isang briefing sa Quezon City Reception House. “Naniniwala ako ang pag-ibig nasusukat hindi lang sa pagtitiis, kundi sa kahandaang lumaban, kahit gaano kahirap, para matapos na ang pagtitiis. Ang nagmamahal, kailangangang ipaglaban ang minamahal,” sinabi ni Robredo sa kaniyang speech. “Buong-buo ang loob ko ngayon. Kailangan nating palayain ang ating sarili mula sa kasalukuyang sitwasyon. Lalaban ako, lalaban tayo, inihahain ko ang aking sarili bilang kandidato sa pagka-pangulo sa halalan ng 2022,” dagdag niya. “Malinaw sa lahat ang hamon na kinakaharap natin, nakita na nating lahat ang pagsisinungaling at panggigipit na kayang gawin ng iba para maabot ang mga layunin nila. Nasa kanila ang pera, makinarya, isang buong istrukturang kayang magpalaganap ng anumang kwentong gusto nilang palab

Bongbong Marcos, naghain na ng COC para sa pagka-presidente

Image
Naghain na si dating senador Ferdinand "BongBong" Marcos ng kanyang certificate of candidacy bilang pangulo ng Republika ng Pilipinas ngayong araw , October 6, 2021. Naghain siya ng kanyang COC sa Harbor Garden Tent sa Sofitel Philippine Plaza Manila sa Pasay City. Siya ay sinamahan ng kanyang pamilya.   Ayon kay BBM kaya ito nag-file ng kanyang candidacy dahil handa itong mangampanya at  sagutin ang lahat ng katanungan. Tungkol naman sa usapin ng Martial law, sinabi ni BBM na malaya itong magpa-interview para sagutin ang mga katanungan. Sabi ng dating senador, nais nitong maibalaik ang pagakakaisa ng bawat isa sa bansa. Ayon kay BBM plano sanang kunin ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) si Pangulong Rodrigo Duterte bilang vice presidential bet sa 2022 elections. "the original plan was for us to adopt PRRD [Duterte] for our vice presidential candidate,” Subalit nagbago ito nang magdeisyon ang Pangulo na magreretiro na sa politika noong nakaraang Sabado,  “Pero sa mga

Face-to-face classes magsisimula sa Nov. 15 | List of schools

Image
Narito na ang unang 59 na paaralang napili mula sa 638 na nominado para sa isasagawang pilot implementation ng face-to-face classes na magsisimula sa Nobyembre 15, 2021 base sa rekomendasyon ng Department of Health (DOH) sa DepEd. Ang mga napiling paaralan ay masusing sinuri ng DOH Epidemiology Bureau at kinilalang minimal o low risk, base sa Alert Levels ng mga probinsya/highly urbanized cities (HUC)/ independent component cities (ICC) at risk category ng munisipalidad at siyudad.