Posts

Showing posts from August 31, 2021

P. Duterte: "Name a country that is prepared. Mag-resign ako.”

Image
Sa isang pre-recorded public address, hinamon ni Pres. Rodrigo Duterte ang mga kritiko na pangalanan ang mga bansa na handa sa pandemya. Ito ay hingil sa mga kritisismo mula sa publiko sa palpak umano na tugon ng gobyerno sa kinahaharap nating pandemya. Narito ang pahayag ng Pangulo: "Alam mo when the pandemic started, we had nothing.  We have no face masks, personal protective equipment, testing kits, nothing.  And same people criticizing today are the same people telling us last year that we were too slow and we’re not prepared. Sino ba ang preparado nito, America?  Name a country that is prepared. Mag-resign ako.”

Pagkamatay ni Mahal, Tugma sa hula ni Rudy Baldwin?

Image
Nagulat ang marami matapos lumabas ang malungkot na balita na pumanaw na ang komedyante na si Mahal, o Noeme Tesorero sa tunay na buhay ngayong araw, August 31.   Kasabay ng pagpanaw ni Mahal ay ang pagkalat din ng Facebook post dati ng kilalang pinoy na pyschic na si Rudy Baldwin kung saan nabanggit niya ang tungkol sa pagpanaw ng batikang komedyante. Nasa hula raw ni Rudy Baldwin noong July 26, 2021 ang pagkamatay ng dalawang komedyante, at ang isa umano rito ay batikang komedyante. At ngayon nga ay napabalitang pumanaw na ang kapuso na si Mahal. Ano ang masasabi nyo sa balitang ito?

Mahal, pumanaw na sa edad na 46

Image
Pumanaw na nitong Martes ang 46-anyos na komedyante na si Mahal, o Noeme Tesorero sa tunay na buhay. Mismong ang kapatid ni Mahal na si Irene Tesorero ang nagbahagi ng malungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang Facebook account. “Ang aming kapatid na si Mahal ay pumanaw na. Wala pa schedule sa kanyang burol due to COVID restriction,” ani Irene Tesorero. Noong nakaraang linggo lang, ay ipinalabas pa sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang pagpunta ni Mahal sa Bicol para bisitahin at tulungan ang kaniyang kaibigan at dating ka-love team na si Mura. Wala pang karagdagang detalye na inilalabas ang mga kapamilya ni Mahal tungkol sa naging sanhi ng kanyang biglaang pagkamatay ngunit ayon sa paunang ulat, nagka-pneumonia raw ang aktres at nagpositibo rin sa COVID-19. Huling napanood ang komedyana sa Kapuso series na “Owe My Love” na pinagbidahan nina Lovi Poe at Benjamin Alves.

Solong mananaya, nanalo ng mahigit P120-M sa Grand Lotto draw

Image
Solong napanalunan ang mahigit P120 milyong premyo sa Grand Lotto 6/55 nitong Lunes ng gabi, Agosto 30, 2021. Sa official website ng Philippine Charity Sweepstakes Office, na https://www.pcso.gov.ph/ makikita na ang winning combination ay 07-13-05-25-28-03 . Ito ay may total prize na P120,063,346.80. Samantala, walang tumama sa kasabay nitong draw na Megalotto 6/45, na ang lumabas na number combination ay 41-05-19-20-13-42 at may total prize na P10,335,277.20.