Posts

Showing posts from August 25, 2021

Alex Gonzaga, na-snatch ang cellphone sa Makati City

Image
Arestado ang isang snatcher matapos biktimahin ang aktres at vlogger na si Alex Gonzaga sa Brgy. Guadalupe Nuevo, Makati City.   Ayon kay Makati Sub Station 7 Commander Police Captain Edison Mabaet, nasa loob ng sasakyan ang aktres sa EDSA nang tangayin ng tatlong suspek ang cellphone nito. Hawak umano ng assistant ng aktres ang cellphone para sana kunan ng larawan ang isang billboard sa EDSA nang hablutin ito ng mga suspek nitong Miyerkoles nang hapon. Narito ang kwento ng aktres sa pangyayari: "Got my phone back after mahablot sa edsa!!! Thank you so much sa Guadalupe nuevo police sub-station 7 for helping us. Grabe taas dalawa kamay namin sa galing at bilis ng action nyo mga sir. Police Captain Edison Mabaet PStaff Seargent Jeffrey Paloma PCorporal Nick Cariaga Patrolman Bernamy Herrera Patrolman Jacinto Longcop Patrolman Karl Villagracia Patrolman Marlon Gatchalian Patrolman Ruben Flores Kuya Jimmy Quibada Salamat din Talaga sa driver ko Kay kuya arvi kasi hinabol nya yun

Karen de los Reyes, muling gagawa ng Mcdonalds commercial

Image
Taong 2001, naging iconic talaga ang commercial ng Mcdonalds ni Karen de los Reyes kung saan sa kwento ay pinagkakamalan s'yang Gina ng kanyang lolo.  Ngunit na-touch ito ng makita n'ya ang matanda na hinahati ang burger at nagwika ng "para sa paborito kong apo, si Karen" View this post on Instagram A post shared by karen de los reyes (@karen_delosreyes) After 20 years, muling gagawa raw ang Mcdonalds na isang commercial kasama pa rin si Karen de los Reyes.  Bagamat namatay na si Lolo Rudy noong 2019 sa original na commercial, magkakaroon daw ng panibagong twist ang continuation nito kung saan makakasama n'ya mismo ang kanyang anak na si Lucas. Ang magiging 'Gina' sa kwento ay ang singer na kahawig nito na si Moresette Amon.   View this post on Instagram A post shared by Morissette. (@itsmorissette) Abangan nalang natin ang nakaka-excite at kaabang-abang na commercial na ito.

Pag-aagaw buhay ni Mona Alawi, emosyonal na ibinahagi ng Alawi family

Image
Ikinwento ni Mona Alawi at ng kanyang pamilya ang naging karanasan niya na pag-agaw buhay dalawang linggo bago ang kanyang kaarawan. Si Mona Alawi ay ang bunsong kapatid ng model aktres at Youtuber na si Ivana Alawi. Isa rin siya noong childstar na nagkaroon ng screen name na Mona Louise Rey. Matatandaan nito lamang Hunyo ng ikwento ni Ivana kung madalas na wala ang kanyang kapatid na si Mona sa kanyang mga vlog. Sinabi niyang nakailang beses na itong dinala sa ospital dahil sa kanyang karamdaman. Noong August 19, 2021 nagdiwang ng kanyang ika-17 taong kaarawan si Mona ng magbigay ng birthday wish ang kanyang ina para kay Mona. "Good health, sana gumaling na talaga siya kasi pag nanay ka alam mo yun ambigat sa dibdib pag umiiyak yan, pagalingin na sana siya ni God, total healing for Mona, wala akong magawa. Kung pwede ko nga lang angkinin." Dagdag pa si Mommy Alawi na mahirap pala talaga kapag nakikita ng isang ina na may sakit ang anak kaya hiling nito na sana ay gu