Posts

Showing posts from August 18, 2021

Casimero kay Donaire: "Ang hina pala ng bumugbog sa'yo."

Image
Ininsulto ni John Riel Casimero ang kapwa niya Pinoy boxing champion na si Nonito Donaire Jr. Ito ay matapos talunin ni Casimero ang Cuban boxer na tumalo noon kay Donaire ilang taong na ang nakalipas. Mabagsik ang banat ni Casimero kay Filipino Flash! Ayon kay Casimero, dapat ikahiya ni Donaire ang sarili dahil sa natalo siya ng isang "mahinang boksingero." "Hindi ka nahihiya nun (Donaire)? Yung nambugbog sa'yo papatulugin ko sana kung hindi lang tumakbo. Ang hina pala nung bumugbog sa'yo," pahayag ni Casimero. Ipinagtapat din ni Casimero na ayaw niya sanang kalabanin si Rigondeaux at mas pipiliin sana niyang labanan si Donaire. "Hindi ko naman talaga siya (Rigondeaux) lalabanan. Ano bang makukuha ko sa kaniya? Wala. Ang makukuha ko lang sa kaniya yung karangalan ko na matatalo ko siya,” pahayag ni Casimero.

Matandang LGBT, tinadyakan at hinabol ng mga kabataan sa Zamboanga City

Image
Isang LGBT Elderly, pinagtripan ng mga kabataan sa Zamboanga City. Viral ngayon ang video na ito kung saan makikitang tinadyakan at hinabol ng kabataan ang walang kalaban-laban na LGBT senior habang ito ay naglalakad pauwi. Kasalukuyang inaalam ng awtoridad kung sino ang mga sangkot sa insidenteng ito. Update: Kasalukuyang nasa kustodiya ng Barangay Camino Nuevo ang lima sa walong suspect ng insidenteng ito.