Posts

Showing posts from August 16, 2021

Madam Inutz nag-backout na Star Image talent agency

Image
Tuluyan na ngang umalis ang viral online seller na si Madam Inutz o Daisy Lopez sa tunay na buhay sa Star Image Management. Sa kanyang Facebook page na Daisy_licious Ukay nag live si Madam Inutz para sabihin sa publiko kung bakit umalis siya sa Star Image Management, tatlong araw lang matapos niyang pumirma ng kontrata. Maraming mga netizens ang natuwa dahil sa ginawa ni Madam Inutz at sinabi nilang  tama ang naging desisyon ng viral online seller. Ito naman ang mensahe niya sa kanyang fans at followers, “Kaya lesson learned mga inutil. Sa susunod na may mag-offer sa inyo, ‘wag kayong padalus-dalos katulad ni inutil. Inutil nga di ba?" “Kumbaga wala nga akong kaalam-alam, ‘di ba? Sa sobrang kagalakan na hindi ko ini-expect, masayang-masaya ang puso ko kaya ‘di ko akalain na sa sobrang saya mo pala, nagkakaroon ka ng bad decision na hindi tama. Dapat pala kumunsulta muna ako, nagtanong muna ako,” dagdag pa niya.

Interview ni Karen Davila kay Lyca Gairanod Nag-viral!

Image
Trending sa Twitter Philippines si Lyca Gairanod ngayong Lunes  matapos ang kanyang most-recent interview sa ABS-CBN News anchor na si Karen Davila. Sa nasabing viral clip, tinanong ni Karen Davila si Lyca kung kailan ang kanyang kaarawan.  Napag alaman nya na ang batang mang-aawit ay ipinanganak noong Nobyembre 21, na kung saan ay araw din ng kanyang kaarawan. Labis ang pagkabigla ni Karen Davila sa nalaman niya kaya napasigaw ito, at dahil sa reaksiyong iyon ni Karen nagpaatras naman ng kaunti si Lyca at mukhang naguluhan. “Oh my God! Birthday ko iyon! Birthday mo November 21? Hindi ko alam 'yun ah, wait hindi ko alam 'yun. Magka-birthday kami,” sabi ni Karen Davila. Maraming netizens ang naaliw sa eksenang ito nina Karen at Lyca na sinabi ng ilan sa kanila na hindi nila mapigilan ang pagtawa habang pinapanood ang clip. Maging si Karen  Davila mismo ay inamin na tawang-tawa din siya sa nasabing video. Hahaha Good Morning guys 😂 hanggang ngayon tawa pa rin ako ng tawa 🤣 tha

Lyca Gairanod binenta ang napanalunang bahay sa The Voice Kids

Image
Ipinaliwanag ng The Voice Kids champion na si Lyca Gairanod ang dahilan kung bakit umalis ito sa bahay na napanalunan niya sa patimpalak at bumalik sa lugar nila kung saan siya lumaki. Ayon kay Lyca, ibinenta nila ang bahay na nasa subdivision upang samahan ang kaniyang lola na ayaw umalis sa dati nilang tinitirhan sa tabing dagat. “Marami rin pong memories sa napanalunang bahay. Pero para kay lola, gusto niya kami makasama kaso malayo po kami. Dinala namin siya doon pero umuwi. Ayaw niya po talaga doon,” sagot ni Lyca. Dagdag pa niya, hindi rin sila sanay na pamilya sa kasing tahimik ng lugar ng kanilang magarang bahay. “Nandito kaluluwa ko. Pilit niya kong binabalik,” dagdag ni Lyca. Nakatira na ngayon malapit sa dati nilang tagpi-tagping bahay ang pamilya ni Lyca. Kuwento pa ni Lyca, binili na lamang nila ang dating inuupahang bahay para hindi na mawalay sa kanila ang kanyang lola. Abala ngayon si Lyca sa kaniyang YouTube channel na kasalukuyang may nasa higit 1 milyon