Posts

Showing posts from August 15, 2021

Manila City Mayor Isko Moreno, Nagpositibo sa COVID-19

Image
Nagpositibo sa COVID-19 si Manila City Mayor Isko Moreno. Ayon sa Manila Public Information Office nitong Linggo, pumunta si Mayor Moreno sa Sta. Ana Hospital bandang 6:48 ng gabi. "Nakararamdam ako ng kaunting ubo, kaunting sipon. Masakit ang aking katawan ngayon." sabi ni Yorme. Kahit na nag-positibo sa virus, sinabi ng alkalde sa kanyang mga nasasakupan na ipagpapatuloy ng pamahalaang lungsod ang operasyon nito laban sa COVID-19 pandemic. "This is it! Ingat mga Batang Maynila! Love you all! May awa ang Diyos! Tuloy pa rin po ang trabaho ng Pamahalaang Lungsod!" sabi ni Yorme. This is it! Ingat mga Batang Maynila! Love you all! May awa ang Diyos!🙏🙏🙏 Tuloy pa rin po ang trabaho ng Pamahalaang Lungsod! — Isko Moreno Domagoso (@IskoMoreno) August 15, 2021 Nitong nagdaang linggo, nagpositibo rin sa COVID-19 si Manila Vice Mayor Honey Lacuna.  Pareho nang bakunado ang dalawang opisyal ngunit nahawa pa rin ng nakamamatay na virus.

Mark Herras, nangutang na umano ng P30K makabili lang ng gatas ng anak

Image
Lolit Solis kay Mark Herras: "Thirty thousand lang, wala ka?" Kamakailang lang ay naisiwalat ng veteran columnist at talent manager na si manay Lolit Solis ang naipahiram niyang P30K sa alaga niyang aktor na si Mark Herras. Naibahagi ito ni Manay lolit sa kalagitnaan ng kanyang programang "Take it per minute." Aniya ang perang hiniram umano ng aktor ay para may ipambili siya ng gatas para sa six months old na anak nila ng actress-beauty queen na si Kim Nicole Donesa. Matatandaang January 31, 2021 ng manganak ang fiance niyang si Nicole sa panganay nilang si baby Corky. Kaya naman tila malaki ang pinansiyal na pangangailangan ngayon ni Mark lalu pa't hindi siya nabibigyan ng anumang proyekto sa kanyang mother network.   View this post on Instagram A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis) Nai-kwento ni manay Lolit na tumawag umano sa kanya ang aktor at sinabing: "Nay, pwede bang makahiram ng ano 30 thousand.. Nay, pa