Posts

Showing posts from August 11, 2021

Magnitude 7.1 na lindol yumanig sa Mindanao

Image
Isang magnitude 7.1 na lindol ang tumama sa may Governor Generoso, Davao Oriental kaninang madaling araw. Naitala ang lalim ng lindol sa 39 kilometro  at tectonic ang pinagmulan ng pagyanig. Ayon sa Phivolcs, naganap ang malakas na lindol kaninang 1:46 ng umaga. Naramdaman  ang lindol sa mga sumusunod na lugar: Intensity V - Governor Generoso, City of Mati, Baganga, and Lupon, Davao Oriental; City of Tagum, City of Panabo, Carmen, and Nabunturan, Davao del Norte; General Santos City; Alabel, and Malungon, Sarangani. Intensity IV - City of Davao; Kiblawan, Davao del Sur; City of Koronadal, Tampakan, Tupi, and Polomolok, South Cotabato; Glan, Malapatan, and Kiamba, Sarangani; Monkayo, Davao de Oro Intensity III - Kabacan, Cotabato; Bayugan, Agusan del Sur Intensity II - Cagayan de Oro City; Maasim, Sarangani; Arakan and Banisilan, Cotabato Intensity I - Mambajao, Camiguin Island Ayon sa Phivolcs ay asahan ang mga after shocks at pinsala dulot ng malakas na lindol. Matap

"Pinag-juice lang po kami sa Malacanang" Actual video

Image
Bawat Pilipinong nakakapag bigay ng karangalan sa ating bansa, maging sa beauty contest man o isports ay pumupunta sa Malacanang para mag courtesy call sa pangulo ng bansa. Katulad nalang ng ating pambansang kamao na si Manny Pacquiao, Nonito Donaire at marami pang iba. At dahil sa kanila ay mas nakikilala ang ating bansa sa buong mundo, kaya naman nakakatanggap din sila ng pabuya o incentives na galing sa pangulo dahil narin sa karangalan na ibinibigay nila sa ating bansa. Kaya naman noong taong 2012 ay pumunta ang ating 3 pinoy world boxing champions sa Malacanang na sina Sonny Boy Jaro, Johnriel Casimero at Donnie Nietes para mag-courtesy call sa kasalukuyang presidente na si pangulong Noynoy Aquino. Ang akala nila ay makakatanggap na sila ng biyaya mula sa pangulo.  Ngunit napalitan ito ng pagkadismaya dahil ayon mismo kay Sonny Boy Jaro ay pinag-juice lang sila ni pangulong Noynoy Aquino. Panoorin ang video sa ibaba: