Posts

Showing posts from August 10, 2021

Dating Olympian boxer Onyok Velasco, matatanggap na ang cash incentive mula sa gobyerno

Image
Matapos ang 25 years, makakatanggap ng tulong pinansyal na P500K mula sa Office of the President si dating Olympic Silver Medalist Mansueto Onyok Velasco. Ito ay matapos na isiwalat ni Velasco na hindi natupad ang mga pangako sa kanyang pabuya matapos masungkit ang silver medal sa summer Olympic games noong 1996. Sa kanyang statement, aabot sa P2.5 million pledges mula sa mga miyembro ng Kongreso, kasama ang scholarship grants para sa kanyang mga anak ang hindi pa niya natatanggap. Sa ngayon, si Onyok Velasco ay nagtatrabaho bilang komedyante sa telebisyon. Ayon kay Senator Bong Go, Chairman ng Senate Committee on Sports, ang kalahating milyong piso na ibibigay para kay Velasco ay bilang pagkilala sa karangalan at inspirasyon na ibinigay nito sa mga atleta na nagtagumpay ngayon. Napag alaman ng tanggapan ni Senator Go na naibigay naman ng gobyerno ang lahat ng dapat na insentibo para kay Velasco ang hindi aniya nito natanggap ay ang mga pangakong pabuya bukod sa bigay ng pa

Reaksyon ni Pacquiao sa pag-atras ni Spence sa kanilang laban

Image
Umatras na si American unified welterweight world champion Errol Spence sa laban niya kay Manny Pacquiao dahil sa umano’y injury nito sa mata. Ang desisyon ng kanyang kampo ay matapos siyang makitaan ng kanyang mga doktor ng 'retinal tear' sa kaliwang mata. “I was excited about the fight and the event. Unfortunately, the doctors found a tear in my left eye and said I needed to get surgery on it ASAP and that there was no way I could fight with my eye in that condition,” pahayag ng 31 anyos na boksingero. Went to three different doctors all said the same thing I’ll be back for the winner for sure — Errol Spence (@ErrolSpenceJr) August 10, 2021 “I’d like to apologize to everyone. You know I’ll be back as soon back soon. We’ve come back from worse.” I Came back from worse — Errol Spence (@ErrolSpenceJr) August 10, 2021 Nag-tweet naman si Pacquiao at sinabing: “I pray for a full and complete recovery for ‪@ErrolSpenceJr‬.” I pray for a full and complete recovery for @Err

Spence umatras na sa laban kay Pacquiao sa August 21

Image
Umatras na si American unified welterweight world champion Errol Spence sa laban niya kay Manny Pacquiao dahil sa umano’y injury nito sa mata. Ang desisyon ng kanyang kampo ay matapos siyang makitaan ng kanyang mga doktor ng 'retinal tear' sa kaliwang mata. “I was excited about the fight and the event. Unfortunately, the doctors found a tear in my left eye and said I needed to get surgery on it ASAP and that there was no way I could fight with my eye in that condition,” pahayag ng 31 anyos na boksingero. Went to three different doctors all said the same thing I’ll be back for the winner for sure — Errol Spence (@ErrolSpenceJr) August 10, 2021 “I’d like to apologize to everyone. You know I’ll be back as soon back soon. We’ve come back from worse.” I Came back from worse — Errol Spence (@ErrolSpenceJr) August 10, 2021 Bilang substitute, makakalaban ng Pambansang kamao si World Boxing Association welterweight champion Yordenis Ugas mula Cuba.

83-anyos na Lola, humingi ng 5 piso sa isang delivery rider pambili ng kanyang almusal

Image
Isang nakakaiyak na kwento na naranasan ng isang Grab delivery rider ang kaniyang ibinahagi sa social media.  Ito ay tungkol sa isang 83 years old na matandang babae.  Si Denso Tambyahero na isang Grab rider /vlogger ang nag-kwento na nilapitan sya ng isang 83 years old na lola.  Lumpit ito at humingi ng P5.00 para makabili ng makakain dahil hindi pa siya nag-aalmusal. Sa labis na awa ni Denso sa matanda, hindi siya nag-atubiling bigyan ito ng isang lata ng biskwit at Limang daang Piso. Ayon sa kwento ng lola, simula nang pumanaw ang kaniyang asawa ay mag-isa na lamang siyang naninirahan sa kanilang bahay. Iniwan rin siya ng kaniyang mga anak kaya't wala na siyang katuwang sa buhay. Gusto pa sana ni Denso na ipahatid siya sa tricycle ngunit sinabi ng tricycle driver na kilala niya ito at di kalayuan sa kanilang kinatatayuan ang tirahan ng lola. Dahil na rin sa pag-aalala sinundan ni Denso ang matanda. Inabutan niya ang lola na nakaupo habang binubuksan na ang biscuit na bigay