Posts

Showing posts from July 31, 2021

Kiray: "Patatayuan ko pa ng mas magandang bahay sina Mama at Papa!"

Image
Sa guesting sa “Mars Pa More” nangako ang Kapuso comedienne na si Kiray Celis na patatayuan niya ng mas magandang bahay ang kanyang pamilya. Ayon kay Kiray, kahit na raw magkaroon siya ng sariling pamilya sa future, hinding-hindi niya pababayaan ang kanyang parents at gagawin niya ang lahat para maibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga ito. Naniniwala si Kiray Celis na nabuhay siya sa mundo para sa kanyang pamilya. Kaya naman balang araw, umaasa siyang makakamit niya ang pangarap na makapagpatayo ng maraming magagandang bahay para sa kanyang mga magulang! “Para sa akin mas babawi ako ng oras sa parents ko, sa family ko. Family pa rin ‘yung iniisip ko, kahit sa future, family pa rin. “Patatayuan ko pa ng mas magandang mga bahay sina mama at si papa. Ibibigay ko pa lahat ng kaya ko sa mga pamangkin ko,” “At huwag kakalimutan siyempre ang sarili mo. Mag-ipon ka rin at sa panahon na ito nakaipon ka na para sa sarili mo. Good luck and enjoy life dahil life is short, kagaya mo,”

Empleyado ng Makati City Hall, nabistong nangongotong

Image
Bistado ang modus ng isang empleyado ng Makati City Hall na nangongotong umano sa mga may-ari ng mga bar at iba pang establisyimento na ipinasara dahil sa paglabag sa health protocol. Naniningil umano siya ng hanggang P160,000 kapalit ng pagtatanggal sa closure orders. Ang aktuwal na pag-aresto sa kanya, tunghayan sa video!

Asawa ni 'Kabayan' Noli De Castro pumanaw na

Image
Pumanaw na ang misis ni Noli De Castro na si Arlene Sinsuat De Castro. Kinumpirma ito ng anak nilang si Katherine De Castro sa kanyang social media post. “My Mom passed away this morning. Thank you for your prayers… I feel so down. My head hurts and my tears never seem to stop,” sabi ni Katherine "Kat" de Castro. Ayon sa report, si Arlene ay edad 66. Samantala, hindi nabanggit ni Katherine ang dahilan ng pagkamatay ng ina.

Tokyo Olympics: Pamilya nag-iyakan; Nesthy Petecio pasok na sa finals

Image
Isang panalo na lang at masusungkit na ng Pinay boxer na si Nesthy Petecio ang gintong medalya sa 2020 Tokyo Olympics. Wagi sa semi-finals ang Filipina boxer ngayong Hulyo 31 matapos talunin si Irma Testa ng Italy sa women’s featherweight class sa Kokugikan Arena. Matapos ideklarang panalo, agad na napaluhod si Petecio at walang tigil sa pag-iyak matapos ideklara ng hurado ang kanyang panalo. “Sobrang saya ko po,” ani Petecio na inialay ang panalo sa kanyang ama na nangarap na makita siyang lumalaban sa Olympics. “Hindi lang po para sa akin ito, para po ito sa bayan,” wika nito. Split decision ang pasya ng mga judges pabor kay Petecio. Sigurado na sa silver medal ang pambato ng bansa ngunit malaki ang kumpiyansa nitong maiuwi ang ikalawang gintong medalya para sa Pilipinas.