Posts

Showing posts from July 26, 2021

Manny Pacquiao, namigay ng $100 sa homeless na lalaki sa Amerika

Image
Ang boxing champ at Senador Manny Pacquiao ay isa sa mga personalidad na hinahangaan ng maraming mga Pilipino ngayon. Sa kabila kasi ng kasikatan at karangyaan na natatamo niya ngayon, kailanman ay hindi niya nakalimutan ang mga tao na nangangailangan ng tulong.   Dahil sa kabaitan at kabutihan ng puso ni Pacquiao, muli na naman siyang hinangaan ng maraming netizens dahil sa kahandaan niya palagi na magbigay ng tulong para sa mga taong lubos na nangangailangan. Sa video na ito, makikita si Pacman na personal na nagbigay ng $100 sa isang homeless na nasa kalsada sa Amerika.  Talaga namang malaki ang mga ngiti sa mukha ng lalaking homeless na nakatanggap ng biyaya mula sa Pambansang Kamao! Panoorin ang video dito: Hanga ka rin ba sa ipinapakitang pagkamatulungin ni Pacquiao?