Posts

Showing posts from July 14, 2021

Kuya Wil nagsalita na sa mga haka-hakang tatakbo siya sa senado

Image
Inihayag ni Willie Revillame na ihahayag niya sa Agosto ang mabigat na desisyon na gagawin niya sa buhay. At sa harap ng mga haka-hakang tatakbo siyang senador sa Eleksyon 2022, sinabi ng TV host na, "Hindi ako kenkoy sa Senado." "Sa August mayroon akong malaking announcement sa inyong lahat," saad niya. "Ito po desisyon sa buhay para sa akin ito at para sa ating lahat. Sana po ay maintindihan niyo." "Huwag kayong mag-alala hindi ako kenkoy sa Senado. Hindi kami magkekenkoyan. Tutulong, gagawa ng paraan, gagawa ng batas sa mga taong nagugutom. Hindi po magpapatawa doon," paliwanag ni kuya Wil. "Hintayin niyo desisyon ko, 'wag niyo 'kong pangunahan. Ako ang nakakaalam kung ano ang gusto kong gawin,"

Pamangkin ni P. Duterte, nahablutan ng cellphone; suspek agad na-aresto

Image
Hawak-hawak ang cellphone ng isang lalaki habang naglalakad ito sa isang bangketa sa Maynila mag-aalas onse ng gabi nitong Huwebes. Nang biglang may isang tricycle na lumapit sa lalaki at tsaka hinablot ang cellphone nito.  Sinubukan pang lumaban ng biktima ngunit mabilis na nakatakas ang mga kawatan. Ang biktima pamangkin pala ni Pangulong Duterte ayon kay NCRPO chief major general Vicente Danao. "Pamangkin nga po niya 'yan. He just came from work yata and then going home. Nung nakuha 'yung cellphone, tumakbo. Inireklamo niya na, at ipinakisusap niya na kung puwedeng ma-ecover yung cellphone na yun dahil ginagamit nga sa trabaho." pahayag ni NCRPO chief major general Vicente Danao.