Posts

Showing posts from July 5, 2021

Babaeng military nurse kasama sa mga nasawi sa Sulu plane crash

Image
"I assure you that I will add more benefits for your family. Importante naman. Very important really is that the family you leave behind will have the same privileges at ang importante ang eskwela, which we have set up a foundation for to see them through to college," - Pangulong Duterte. Umabot na sa 52 katao ang nasawi sa pagbagsak ng isang C-130 aircraft ng Philippine Air Force (PAF) na may lulan na 96 pasahero at crew sa Patikul, Sulu nitong Linggo. Ang C-130 military plane na may tail number na 5125 ay maghahatid sana ng mga sundalo mula Cagayan de Oro City, sa Mindanao, papunta sa Sulu province. Si 1st Lieutenant Sheena Alexandrea Tato. Siya ay mula sa Pagadian City, ngunit ang kanyang ama ay mula sa Jaro, Iloilo City. Siya ang nurse na na-assigned sa bumagsak ng military plane sa Sulu. Siya ay isang military nurse at isa sa nasawi sa pagbagsak ng eroplano ng C-130 ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Patikul, Sulu, noong Linggo, July 4, 2021. Salamat sa iyo

P. Duterte binisita ang mga nasugatang sundalo sa pagbagsak ng C-130 military plane noong Linggo

Image
Nitong Lunes, Hulyo 5, binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Bong Go ang ating mga Wounded-In-Action na mga sundalo sa Camp Navarro General Hospital sa Western Mindanao Command sa Zamboanga City ang mga nasugatan ay mula sa naganap na C-130 plane crash sa Patikul, Sulu. Sa kanilang pagdalaw, pinasalamatan ni Pangulong Duterte at Senador Go ang ating mga sundalo para sa kanilang dedikasyon at sakripisyo upang ipagtanggol ang ating bansa. Tiniyak din nila na sila ay makakatanggap ng maayos na panggamot at suporta hanggang sila ay gumaling. Nagbigay din ng tulong pinansyal at iba pang gamit si Kuya Bong Go, dagdag sa mga ayudang ibinigay mula sa Office of the President. Malaki ang paghanga nina Tatay Digong at Kuya Bong sa ating mga sundalo dahil sila ay naglilingkod upang manatiling ligtas ang ating mga komunidad. #BisyoAngMagSerbisyo 👊🇵🇭

P. Duterte tiniyak na makakatanggap ng assistance ang mga pamilya ng nasawing mga sundalo

Image
Pumunta si Pangulong Duterte sa Zamboanga City upang igalang ang ilan sa mga sundalong nasawi sa pagbagsak ng C-130 plane sa Sulu. Sa kanyang talumpati, tiniyak ng Pangulo na makakatanggap ng assistance mula sa gobyerno ang mga naulilang pamilya ng mga sundalo na nasawi sa trahedya. Kabilang sa mga benepisyong pinangako ng pangulo para sa pamilya ay ang pang-araw-araw na gatusin, kumportableng pamumuhay, at libreng edukasyon para sa kanilang mga anak. "Before I step down, I want to allocate a huge amount to the armed forces. That's how I can repay the soldiers, especially those who died. Their families will be protected, their families will be comfortable, and the daily living and education of the children will be assured," sabi ng Pangulo.

P. Duterte nagbigay respeto sa mga nasawing sundalo sa pagbagsak ng C-130 plane noong Linggo.

Image
Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Western Mindanao Command (WESMINCOM) sa Zamboanga City ngayong Lunes ng gabi upang magbigay respeto sa mga sundalong nasawi sa pagbagsak ng military plane na C-130 na nangyari noong Linggo.  "I commiserate with you. I am as sorrowful as you. As commander-in-chief, I am the most hurt," sabi ng Pangulo.  “The most important thing is that itong namatay, that they shall not have died in vain. They died for our country, and it behoves upon us to continue the help. And they are alive, as they are now in heaven,” sabi ng pangulo sa bilang pagbigay pugay at respeto sa mga nasawing sundalo. Sa pinakahuling ulat ay umabot na sa 51 ang nasawi sa nasabing trahedya.

Video ng pagbagsak ng C-130 military plane viral

Image
Umabot na sa mahigit 50 katao ang nasawi sa pagbagsak ng isang C-130 aircraft ng Philippine Air Force (PAF) na may lulan na 96 pasahero at crew sa Patikul, Sulu nitong Linggo. Ang C-130 military plane na may tail number na 5125 ay maghahatid sana ng mga sundalo mula Cagayan de Oro City, sa Mindanao, papunta sa Sulu province. Ilan sa mga sakay ng eroplano ay mga bagong Philippine Army privates. Ayon kay AFP chief General Cirilito Sobejana lumampas ang eroplano sa runway. "Na-miss niya 'yung runway trying to regain the power at hindi nakayanan, bumagsak doon sa Barangay Bangkal, Patikul, Sulu. We are doing our best effort to rescue the passengers," May mga nakakita umano na may ilang sakay ng eroplano ang tumalon bago sumayad sa lupa ang dambuhalang aircraft. Ito na ang ikatlong insidente ng pagbagsak ng eroplano ng militar sa taong ito. Nitong Enero, isang helicopter ang bumagsak, at nasundan nitong Hunyo. Nanawagan naman si Defense Secretary Delfin Lorenzana na iw

Trillanes inakusahan si P. Duterte at Bong Go ng P6 Billion pandarambong

Image
Inakusahan ni dating Senador Antonio Trillanes IV ngayong Lunes si Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang malapit na kaalyado na si Senador Bong Go, na gumawa ng pandarambong sa halagang P6.6 bilyon sa mga kontrata ng gobyerno na napanalunan ng firm ng konstruksyon na pagmamay-ari ng ama ni Go. "Ayon sa COA, nakakuha ng 125 projects ang CLTG Builders na pagmamay-ari ni Mr. Deciderio Lim Go - ang tatay ni Bong Go, mula March 25, 2007 hanggang May 2018." sabi ni Trillanes. "Ito ay maliwanag na patong-patong na kaso ng plunder na umaabot sa P6.6 billion pesos," sabi ni Trillanes. Inilarawan niya ang kanyang Youtube episode tungkol sa "pagnanakaw ni Duterte at Bong Go sa kaban ng bayan" Panoorin ang video: