UPDATE: Bulkang Taal nag-erupt, Alert itinaas na sa Level 3

Nagkaroon ng Phreatic Eruption sa Bulkang Taal sa ganap na 3:16PM ngayon Huwebes. Dahil dito, itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Siesmology sa Alert Level 3 ang estado ng Bulkang Taal ngayong araw, dahil sa "magmatic unrest." Ang Phreatic Eruption ay ang pagbuga ng usok o steam bunga ng pag-init ng tubig sa ilalim ng lupa na nadikit o maaaring lumapit sa magma. Nagkaroon ng tinatawag na "magmatic intrusion" sa loob at gitnang bahagi ng bulkan na maaaring mag-resulta ng mga susunod pang pagputok nito. Ayon sa Philvolcs, mahigpit na pinaaalahanan ang mga barangay na malapit sa bulkan na mag-umpisa nang lumikas upang maiwasan ang mga posibleng panganib. Ang buong isla ng Taal ay nananatiling naka sailalim sa Permanent Danger Zone (PDZ). Maging ligtas at alerto bawat oras. Presscon: TAAL VOLCANO UPDATE