Posts

Showing posts from June 23, 2021

LIVE: Dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III, pumanaw na

Image
Pumanaw na sa edad na 61 si dating Pangulong Benigno Simeon "Noynoy" Aquino III ngayong Huwebes, limang taon lang matapos niya bumaba sa opisina. Sinasabing sumasailalim ang dating pangulo sa dialysis at nagpa-angioplasty. Meron din siyang diabetes at lung cancer, ayon sa isang kaibigan na malapit sa kanyang pamilya. Panoorin ang special coverage:  

Dating Pangulong Noynoy Aquino pumanaw na

Image
Pumanaw na sa edad na 61 si dating Pangulong Benigno Simeon "Noynoy" Aquino III ngayong Huwebes, limang taon lang matapos niya bumaba sa opisina.  Sinasabing sumasailalim ang dating pangulo sa dialysis at nagpa-angioplasty.  Meron din siyang diabetes at lung cancer, ayon sa isang kaibigan na malapit sa kanyang pamilya. Si Aquino, na anak nina dating Pangulong Corazon Aquino at dating Sen. Benigno "Ninoy" Aquino Jr., ang ika-15 presidente ng Republika ng Pilipinas.  Ngayong umaga lang nang ibalita ang dagsaan ng mga kawani ng midya sa Capitol Medical Center matapos ibalitang isinugod ang dating presidente sa Capitol Medical Center sa Lungsod ng Quezon. Ang kanyang kapatid na si Kris Aquino, ay dumating sa ospital dakong alas-9 ng umaga. Nakita rin sa ospital ang dating Foreign Secretary na si Jose Rene Almendras at dating Senador Mar Roxas. "It's a sad day," tweet ni Erin TaƱada, isang miyembro ng Liberal Party. Si Aquino ay naging tahimik at naw

Paalam, Shalala. TV host at Komedyante na si Shalala pumanaw na

Image
Pumanaw na ang kilalang host at comedian na si Shalala. Sa edad na 61 pumanaw si Shalala dahil sa pulmonary tubercolosis. Ayon sa kanyang kapatid na si Anthony Reyes. Na-confine siya sa national kidney institute noong nakaraang linggo at gumanda naman daw ang kanyang kondisyon kalaunan, pero nag-deteriorate ang kanyang katawan matapos ang ilang araw. Sa isang panayam, nagpaabot ng mensahe ang kapatid ni Shalala. "Maraming-maraming salamat po sa lahat, Kuya Lito.  Ikaw ang naging sandalan naming magkakapatid.  I kaw na nagtaguyod sa pamilya.  Hirap kami kung wala ka.  Maraming-maraming salamat sa tulong na ginawa po para sa’ming lahat.” -Anthony M. Reyes Sa mga nais tumulong sa pamilya, maaring mag-donate sa account ng kanyang kapatid: Metrobank Savings 091-3-091-33785-2 Anthony M. Reyes.

Jodi Sta Maria, grumadweyt sa kursong B.S. in Psychology with honors

Image
Nakamtan na ang pangarap! Congratulations kay Jodi Sta. Maria na grumadweyt na sa kursong Bachelor of Science in Psychology, Batch 2021. Hindi naging madali, pero sabi ni Jodi, sa tuwing maraming challenges, sinasabi niya parati na "kaya 'to!" Narito ang mensahe ni Jodi:    "Success comes to those who want it. And sometimes you have to ask yourself “how much do I want this?” I dreamt of finishing my schooling ever since I entered show business and today, after more than a decade, marks the fulfillment of that dream. After 4 long years, I am here graduating from college. In school, whenever I faced a seemingly insurmountable task, I’d always push myself and say “it can be done.” I knew that God was with me all through out my college life and I kept holding on to his promise that I can do all things through Him who gave me strength and supplied me with more than I needed according to His glorious riches in Christ Jesus. God is always faithful to his wor