Posts

Showing posts from June 10, 2021

Mga sadyang naninira ng pera, puwedeng makulong o pagmultahin, ayon sa BSP

Image
Sa isang pahayag, sinabi ng BSP na maaaring pagmultahin ng hindi hihigit sa P20,000 o makulong ng hanggang limang taon ang sinumang mapatutunayang sadyang naninira ng salapi, alinsunod sa Presidential Decree No. 247. Kabilang sa mga ipinagbabawal na gawin sa salapi ang mga sumusunod: • Pagsulat o paglalagay ng mga guhit sa banknotes • Sadyang pagpunit o pagsunog • Sadya at sobrang pagtupi o paglukot sa banknotes • Pagtupi para mag-iba ang hugis o hitsura • Pag-stapler o paglalagay ng ano mang pandikit • Pagbabad sa kemikal WARNING Against the Improper Handling of Philippine Currency Willful defacement, mutilation, tearing, burning or destruction of banknotes/coins are punishable by a fine of not more than PHP20,000.00 and/or imprisonment of not more than 5 years, under Presidential Decree No. 247 pic.twitter.com/7LxY0fLtbX — Bangko Sentral (@BangkoSentral) February 19, 2019 Maaari raw isumbong sa pulisya o tumawag sa BSP kapag nakakita ng sadyang paninira ng salapi.