Posts

Showing posts from June 1, 2021

Jelai Andres di na kinaya ang pambababae ng asawa, nagsampa ng kasong concubinage

Image
Jelai Andres, tuluyan nang nagsampa ng reklamo laban kay Jon Gutierrez. Naghain ng reklamong concubinage ang aktres at vlogger na si Jelai Andres laban sa kanyang asawang si Jon Gutierrez na mas kilala bilang King Badger ng Ex Battalion sa Quezon City Department of Justice kanina. Kasama sa sinampahan niya ng reklamo ang umano'y karelasyon ni Gutierrez at ang tumutulong sa kanilang relasyon. Pahayag naman ng abogado ni Andres, nauna na silang nagsampa ng kasong violence against women and children noong Abril. Nakaranas aniya ng depression si Andres dahil umano sa patuloy na pambababae ni Gutierrez. Ngayong araw rin nakatakda ang ikalawang hearing ng kaso. Dumating si Gutierrez at ang kanyang abogado pero hindi na sila nagpasa ng counter affidavit. Agad ding umalis si Gutierrez at tumanggi nang magbigay ng pahayag. Samantala, nakatakda na rin daw mag-file ng annulment case si Andres.

52-anyos babae patay matapos barilin ng lasing na pulis sa QC

Image
Arestado ang isang pulis na si Police Master Sergeant Hensie Zinampan matapos ma-hulicam ang pagbaril sa 52-anyos na ginang na kanyang kapitbahay sa Barangay Greater Fairview sa Quezon City. Ang biktima ay nakilalang si Lilibeth Valdez. Nakuhanan pa ng video ang buong pangyayari sa Sitio Ruby. Itinaggi  ng pulis na siya ang pumatay sa biktima kahit pa kitang-kita sa video ang kanyang pagbaril.  Kwento ng anak ng biktima, bumibili lang daw sa tindahan ang kanyang nanay nang lapitan ng lasing na pulis. May 1 daw nang magkasuntukan ang kapatid niyang lalaki at ang pulis. Pagkatapos daw ng insidente noong May 1 ay nagbanta na ang pulis