Posts

Showing posts from May 30, 2021

10 anyos batang lalaki sa Sultan Kudarat inulan ng donasyon pagkatapos matampok na KMJS

Image
Dumagsa ang tulong para sa 10-anyos na si Reymark mula Sultan Kudarat matapos ma-itampok ang kanyang kuwento sa KMJS. Sa tulong ng mga netizens, tuluyan nang magbabago ang buhay ni Reymark.  Kwento ni Raymark:   "Araw-araw, nag-aararo ako para sa aking pamilya. ‘Yung kabayo namin na si Rabanos ang kasa-kasama ko po. Ako na rin ang nagpapakain sa kanya tuwing umaga. Mahirap po dahil maliit lang ako. Pero wala naman kaming magagawa. Kailangan na lang pong tanggapin. Ako na lang po ang bumubuhay sa aking pamilya. Kaya kahit maliit ako, titiisin ko po ang hirap. Masakit po sa katawan at sa pakiramdam. Ang hirap po kasi na wala kang pera. Ang hirap po nang lagi mong iniisip kung makakakain ‘yung pamilya mo sa isang araw. Wala naman po akong ibang magawa kundi magtiis. Minsan, kapag nakikita ko ‘yung ibang bata, naiinggit ako. Nakakapaglaro kasi sila, nakakapag-bike. Pero ako po, nandito sa bukid, nagtatrabaho. Pakiramdam ko po wala na kaming chance na yumaman sa mundo.

John Lloyd Cruz at Andrea Torres magsasama sa upcoming sitcom ni kuya Will!

Image
Ang aktor na si John Lloyd Cruz, na nagbalik showbiz matapos ang 3 taong pahinga ay makakatrabaho ang Kapuso actress na si Andrea Torres sa isang upcoming sitcom Kinumpirma ito ng celebrity host na si Willie Revillame, na magpapatakbo rin sa sitcom. Bilang respeto sa home network ni John Lloyd, kinausap ni Willie si ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak tungkol sa proyekto na gagawin nila sa GMA-7 ng nagbabalik-showbiz na aktor. Tiyak na pag-uusapan ito, dahil kasama sa cast si Andrea, ang ex-girlfriend ni Derek Ramsay na fiancĂ© ngayon ni Ellen Adarna, ang ina ng anak ni John Lloyd. Si Andrea ang gaganap na love interest ni John Lloyd sa binabalak ni Willie na sitcom. Hudyat din ang sitcom na ito ng pagbabalik ni Willie sa pag-arte na dalawampung taon niyang ipinahinga dahil itinuon niya ang kanyang atensyon sa television hosting, at sa pagtulong sa ating mga mahihirap na kababayan. 

John Lloyd Cruz pumirma ng kontrata kay Willie Revillame

Image
John Lloyd Cruz pumirma ng kontrata sa productions ni Willlie Revillame para sa isang television special na magaganap sa June 6 sa Smart Araneta Coliseum. Magsasama sila sa 6-6 Shopee Super Mega Fiesta at mapapanood ito sa Kapuso Network sa Linggo, June 6, 2 pm. Saksi sa pagpirma ng kontrata ni John Lloyd ang legal counsel ni kuya Will na si Atty. Ferdie Domingo at ang mga Shopee executive. “Tonight is history,” ang sabi ni kuya Will tungkol sa pagpayag ni John Lloyd na maging guest sa kanyang television special sa June 6.