Posts

Showing posts from May 24, 2021

Ito na ngayon ang trabaho ni Ruby Rodriguez kaya hindi na siya napapanood sa Eat Bulaga

Image
Isa nang office girl sa Los Angeles, California ang dating Eat Bulaga host na si Ruby Rodriguez. Sa Instagram post, ibinahagi niya ang kanyang selfie habang nasa trabaho.  “First day of new normal for moi” ang caption niya. Ayon sa post makikita rin sa location na sa Philippine Consulate General sa Los Angeles, California nagtatrabaho ngayon si Ruby. Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye si Ruby tungkol sa bago niyang trabaho. Nagpaabot naman ng suporta ang ilan niyang mga kaibigan sa comments section. Matatandaang taong 2020 na isang cryptic comment ang sinagot ni Ruby sa isang netizen na nagtanong kung bakit hindi na siya napapanood sa Eat Bulaga. “I miss you in Eat Bulaga Ms.Rubs. Babalik ka pa ba? Sina Pia, Ryan, Allan K, ryzza Mae nakaka pitch in pero ikaw Wala! Bat Ganon?" sabi ng netizen.  “Sila tanungin mo.” ang sagot ni Ruby

3 suspek sa paggahasa at pagpatay sa trans man na si Ebeng Mayor, arestado

Image
"I would like to announce it officially that the case has been solved." - PNP chief PGEN. Guillermo Eleazar Arestado na ang tatlong suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang transgender sa Quezon City. Isa sa kanila, best friend pa ng biktima. Wala nang buhay ang 21 taong gulang na transgender man na si Ebeng Mayor nang matagapuan sa isang bakanteng lote sa Sitio Bakal sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City noong Huwebes.