Posts

Showing posts from May 23, 2021

Idol Raffy naglunsad ng sariling Community Pantry— RTIA Style!

Image
Community Pantry — Raffy Tulfo In Action style! Nasa 100 tao lang kada batch ang pinapayagang pumila para masiguro ang physical distancing sa lugar.  May nakabantay din na mga pulis at medical team kung may emergency. Iikot sa iba't ibang barangay ang team ng Raffy Tulfo in Action hanggang Martes para magtayo ng community pantries. Nagsimula nang mag-ikot ang RTIA sa iba’t-ibang barangay sa Metro Manila para sa inorganisang community pantry ni Idol Raffy.  Sa day 1, Sabado, May 22, dalawang barangay ang dinayo ng RTIA para mag-abot ng mga bayong na naglalaman ng mga groceries.  Ito ay ang Brgy North Bay Blvd South, Kaunlaran, Navotas City at Brgy Commonwealth sa Quezon City. At sa 2nd day, Linggo, May 23, pinuntahan naman ng RTIA ang Brgy Payatas, Quezon City at ang Brgy 64 sa Tondo, Manila. Ito ay magpapatuloy hanggang Martes, May 25, kung saan apat pang mga Brgy ang pupuntahan ng RTIA para sa food distribution.  At ang bawat brgy na pinupuntahan ay nakakatanggap ng 625 na bayong.

Delivery rider, nanghipo ng 23-anyos babaeng naglalakad sa kalsada

Image
Nahulicam ang panghihipo ng isang deliver rider sa isang 23 anyos na babaeng naglalakad sa kalsada. 23-anyos na babaeng naglalakad sa kalsada, hinipuan ng nakatambay na delivery rider sa Brgy Mariana, QC nitong May 14 Noong una raw, hindi raw niya napansin 'yung lalaki.  Hanggang sa nakita niyang nakapasok daw 'yung kamay ng lalaki sa pantalon na parang nakahawak sa ari, tapos parang gumagalaw-galaw. Kitang-kita sa CCTV na nag-zipper 'yung lalaki. Sinara niya 'yung butones ng pantalon niya, paglampas ng babae. Kinilala ng QCPD station 11 ang nanghipong rider na si Justin de Guzman na nananatiling at-large. "Hindi ito first time na nanghipo siya. May isa pang babae na lumutang at lumapit sa biktima." ayon kay LtCol Elizabeth Jasmin ng QCPD Station 11 commander Sa Lunes, nakatakda nang sampahan ng reklamong acts of lasciviousness si de Guzman.

Pera, Naiwang Nakaipit sa ATM

Image
Pera, Naiwang Nakaipit sa ATM P10-K halaga ng pera, naiwang nakaipit sa isang ATM sa Pangasinan. Isang baranggay chairman ang nakakita ng P10,000 cash na naiwang nakaipit sa isang ATM sa munisipyo sa Calasiao, Pangasinan. Ayon sa kanya ipinost niya kaagad sa social media ang insidente, para agad na matunton ang may-ari ng pera. Alam na rin umano ng Landbank of the Philippines ang insidente. Alamin ang buong kwento sa video sa ibaba:

Kamote Rider tumakas at nakipag karera sa Pulisya

Image
Rider na sinita, nakipaghabulan sa Kalsada Task Force sa bayan ng Magsingal sa Ilocos Sur. Video ng habulan, nag-viral sa social media. Rider patay malisya nang mahuli, ayon sa kanya hindi daw niya napansin na hinahabol siya. Netizens comments: ANG PROBINSYANONG URAGON: Lupet mo boy nakipag karera kapa tlga Nathaniel Belotindos: Walang side mirror lang sana ang violation, ngayon mas malaki na ang kaso mo bata. Jeffrey Marso: Impound ung motor bigyan ng penalties ang magulang. i banned ung pag kuha ng license nyan ng 5-10 years upon legal age. Hindi baleng sya lang ung maaksidente masama nyan kung mang dadamay pa sya. Junel Manzanillo: Ang sarap sapakin ang ganyang mga bata..dapat empound ang motor niyan