Posts

Showing posts from January 13, 2021

Unang Pasyente na nagpositibo sa UK variant sa Pinas, kinilala ni Sec. Duque

Image
Opisyal nang kinumpirma ng Department of Health (DOH) at Philippine Genome Center (PGC) ngayong gabi na mayroon nang na-detect na B.1.1.7 SARS-COV-2 variant o UK variant sa bansa. Ayon kay Department of Health Secretary Francisco Duque III, sa panayam ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko ngayong gabi, Enero 13, na taga-Kamuning, Quezon City ang lalaking pasyente. Umalis ang lalaki kasama ang kanyang nobya patungong Dubai noong Disyembre 27, 2020 para sa business purposes at dumating naman sa bansa noong Enero 7, 2021 sakay ng Emirates Flight No.EK332. Real estate agents ang magkasintahan na pumunta sa Dubai para sa business trip, ani Duque. Pagdating doon ay nakipagpulong ang dalawa noong Disyembre 30 sa isang businessman, bumisita sa mga mall, nagmili, at pumunta rin sa mga tourist site, lahad pa ng Health Chief. Sumalang ang mga ito sa swab at nagquarantine sa hotel pagdating sa bansa. Nailabas naman ang positive test result nito kinabukasan at ang pasyente ay ini-refer sa

Christine Dacera sinundo sa Room 2207 buhat buhat pabalik sa 2209 Jan.1 ng umaga

Image
Ngayong tukoy na ng awtoridad ang mga nasa loob ng Room 2207 ng hotel kung saan natagpuang patay si Christine Dacera, kailangan daw silang magpaliwanag kung ano ang nangyari nung huling pumasok sa kwarto si Christine. Dakong 6:00 am, isang kaibigan ni Dacera na si Valentine Rosales ang lumabas sa 2209 at nagpunta sa 2207 para sunduin ang 23-anyos na flight attendant. Pagkaraan ng 20 minuto, lumabas na sa 2207 si Dacera pero buhat na siya ng kaniyang kaibigan pabalik sa 2209. Gayunman, makikita namang may malay pa si Dacera. Pero pagbalik umano sa 2209 ay lalo na raw tumindi ang pagsusuka ni Dacera. Dakong 6:40 am, nakunan naman sa labas ng 2209 ang isang kaibigan ni Dacera na tila nakikipagtalo sa isang lalaki na naka-check-in sa 2207. Ang mga lalaki na nakita umano sa CCTV na tila nagtatalo ay sina Edward Madrid at Joseph Darwin Macalla. Ayon sa ulat, sinabi ng source na isa si Macalla sa walong tao na nasa Room 2207. Sa mga naunang ulat, sinasabing dakong 7:00 am nang umalis

UK Variant ng COVID-19 nasa Pilipinas na ayon sa DOH

Image
Kinumpirma ng DOH at Philippine Genome Center na ang COVID-19 variant na unang natagpuan sa United kngdom ay nasa Pilipinas na. “The DOH and the PGC today officially confirm the detection of the B.1.1.7. SARS-CoV-2 variant (UK variant) in the country after samples from a Filipino who arrived from the United Arab Emirates on January 7 yielded positive genome sequencing results,” ayon sa kanilang statement. Mas nakakahawa ang variant na ito, ngunit hindi pa tiyak kung nagdudulot ito ng mas mabuting karamdaman. Nauna nang sinabi ng DOH at ng ilang mga scientist mula sa ibang bansa na huwag mag-panic dahil maliit ang tsansang hindi tumalab ang kasalukuyang mga #COVID19 vaccine laban sa UK variant ng virus.