Posts

Showing posts from January 10, 2021

Mark Anthony Rosales susuko na, may nakakagulat na rebelasyon?

Image
Ayon sa interview ng rise and shine Pilipinas kay NCRPO chief Brig. Gen Vicente Danao Jr., iniimbitahan na nila ngayon si Mark Anthony Rosales. Ang itinuturong may inilagay umano ng sa inumin ni Christine Dacera noong December 31, 2020 sa kanilang New year party. “Tumabi siya sa’kin, then sabi niya, ‘Sis, parang I feel something, parang naiiba ‘yung pakiramdam ko.’ I think merong naglagay sa drink niya, sabi niya sa’kin. Then sabi ko, ‘Who?’ and then sabi niya, ‘I think Mark,’” kuwento ni Rommel Galido isa sa kaibigan ng dalaga. Si Mark Anthony Rosales ay isa sa mga person of interest na tinututukan ngayon ng PNP. Hindi pa kumpirmado kung party drug ang nilagay sa inumin ni Christine Dacera. Ayon kay  NCRPO chief Brig. Gen Vicente Danao Jr. hindi pa kumpirmado kung iyon ang sanhi ng pagkasawi ni Christine Ayon sa pinakahuling ulat nakikipagugnayan na ngayon si Mark Anthony Rosales sa PNP at anumang oras ngayong araw ay magpapakita na siya para magpahayag ng kanyang panig tungkol sa na

Police Jonel Nuezca Pleades 'Not Guilty'

Image
Naghain ng 'not guilty plea' sa kasong murder si Jonel Nuezca, ang pulis na nakuhanan sa video na bumaril sa mag-inang Sonya at Frank Gregorio nitong Disyembre. Inihain ni Nuezca ang 'not guilty plea' sa kaniyang arraignment at pre-trial noong January 7. Hindi aktuwal na nakasipot sa korte si Nuezca dahil kasalukuyan siyang nasa 21 araw na quarantine sa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology sa Paniqui. Sa pamamagitan ng video conference, nabasahan ng sakdal sa 2 bilang ng murder si Nuezca dahil sa pagpatay sa mag-inang sina Sonia at Frank Anthony Gregorio. “Naka-isolate pa siya kasi 21 days ‘yung requirements from BJMP,” ani Rombaoa. Dumalo naman sa arraignment ang abogado ni Nuezca, ganun rin ang pamilya at abogado ng mga biktima. Ang susunod na pagdinig sa kaso ay sa Pebrero 4 kung saan inaasahan nang pisikal na makadadalo si Nuezca.