Posts

Showing posts from January 8, 2021

Pag-embalsamo sa bangkay bago otopsiya, bagong polisiya raw ng PNP ngayong pandemya

Image
Opisyal nang inatasan ng DOJ ang NBI na imbestigahan ang kaso ng flight attendant na si Christine Dacera. Ang hepe naman ng NCRPO, sinabing may polisiya ngayong pandemic na unahin ang pagpapaembalsamo bago ang otopsiya kung ang iniimbestigahang nasawi ay hinihinalang may COVID-19. Pero taliwas ito sa karaniwang agad na pagke-cremate kapag ang nasawi ay suspected o kaya'y confirmed COVID-19 positive.

Ang Di pinakita sa TV na CCTV Footage ni Christine Dacera sa hotel

Image
May kumakalat ngayon na panibagong parte ng CCTV footage ng flight attendant na si Christine Dacera sa hallway sa hotel na kanilang tinuluyan ng kanyang mga kaibigan noong bisperas ng bagong taon. Sa bagong footage makikita si Christine na tila nakikipag-away sa mga tao na nasa kabilang kwarto ng kanilang hotel. Ayon sa nagbahagi ng video, hindi raw ito pinakita sa balita sa TV, subalit maaaring makatulong ito sa isinasagawang imbestigasyon sa kaso ni Christine Dacera. Makikita sa video kung paano pagmalasakitan ng mga baklang kaibigan ni Christine ang dalaga matapos nitong tila makipag-away sa kabilang kwarto dahil narin sa kalasingan at tila nawala na sa kontrol ang dalaga. Makikita rin kung paano siya inawat at pinagmalasakitan ng kanyang mga kaibigan.  Taliwas sa mga ibinibintang sa kanila na sila ang may kasalanan sa nangyari kay Christine.