Posts

Showing posts from January 7, 2021

Exclusive Interview ni Idol Raffy sa Best Friend ni Christine Dacera

Image
Nakapanayam ni idol Raffy Tulfo ang matalik na kaibigan ng pumanaw na PAL flight attendant na si Christine Dacera na si Rommel Galido. Sa interview, ipina-detalye ni idol Raffy ang ilang mahahalagang kaganapan na nangyari bago umano makita ng grupo na wala nang buhay ang dalagang flight attendant.  Kinumpirma doon ni Rommel na siya umano ang sinabihan ni Christine na tila may inilagay sa kanyang inumin ang isa nilang kasama. Napapayag din umano ni idol Raffy na boluntaryong magpa-lie detector at drug test sina Rommel at ang iba pang mga nakasama ni Christine sa hotel.

‘Eh ‘di wow,’ sagot ng ina ni Christine Dacera sa pagsabi ng mga suspek na sila ay inosente

Image
Hindi naitago ni Sharon Dacera, ang ina ng namayapang flight attendant na si Christine Dacera, ang kaniyang pagdududa tungo sa sinasabing pagkawalang-sala ng tatlong suspek na pinalaya mula sa kustodiya ng mga awtoridad.  Aniya, may foul play talagang naganap. “Eh ‘di wow nga! Eh ‘di wow, wow, wow! Ganoon na lang sabihin ko sa kanila. Sige lang. Alam ng Diyos ang totoo,” Ito ang sagot ni Mrs. Dacera nang tanungin tungkol sa kung ano ang kanyang masasabi tungkol sa pag-release sa mga suspek at sa sinasabi nila na inosente sila. Sinabi din ni Dacera na magpapatuloy sila sa paghahanap ng hustisya. "Patuloy lang ‘yung laban, hindi ko titigilan habang hindi napaparusahan yung gumawa po sa anak ko,” sabi niya. “Tatay Digong, kailangan ko po kayo sa laban na ito… I need more prayers but ‘yung kamay na bakal para sa mga taong gumawa ng ganitong karumaldumal sa anak ko po, tatay, parusahan niyo na po,” dagdag pa niya. Nitong Miyerkoles, ipinag-utos ng Makati City Prosecutor's

Mas mahabang CCTV footage ni Christine Dacera sa hotel isinapubliko na

Image
Sa isa pang CCTV video makikita ang mga huling sandali na nakitang buhay ang flight attendant na si Christine Dacera habang nasa isang hotel sa Makati kasama ang ilang kalalakihan para magdiwang ng bagong taon.  Matatandaan na tanghali noong Enero 1 nang makita sa bathtub ang bangkay ni Christine.  Dinala naman sa Camp Crame ang mga labi ni Christine para iburol bago ilipad sa kaniyang bayan sa General Santos City.  Nitong Miyerkules, pinalaya ng piskalya ang tatlong suspek na nakadetine habang sisimulan sa Enero 13 ang preliminary investigation upang alamin ang tunay na dahilan ng pagkamatay ni Christine at kung may naganap bang krimen tulad ng panggagahasa.