Pangulong Duterte, umatras sa pagtakbong senador sa Halalan 2022
Ang pag-atras ng pangulo ng bansa ay nangyari sa kaparehong araw na binawi rin ni Senador Christopher "Bong" ang kaniyang COC sa pagtakbong pangulo sa darating na halalan.
“The President has filed his withdrawal from the Senatorial elections,” anunsyo ni Comelec spokesperson James Jimenez.
Nauna nang italaga si Duterte ng partidong PDP-Laban na pinangungunahan ni Energy Secretary Alfonso Cusi, bilang vice presidential bet ng partido sa Halalan 2022.
Pero iginiit ni Duterte na nais na niyang magretiro sa pulitika pagkatapos ng kaniyang termino bilang pangulo sa June 30, 2022.
Gayunman, noong isang buwan, naghain siya ng COC sa pagka-senador sa ilalim ng substitution.
Pinalitan niya si Liezl Visorde ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS). Dalawang araw bago ito, naghain si Go ng substitute COC sa pagka-presidente, sa ilalim din ng PDDS.
Pinalitan niya si Liezl Visorde ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS). Dalawang araw bago ito, naghain si Go ng substitute COC sa pagka-presidente, sa ilalim din ng PDDS.
Comments
Post a Comment