Malaking abala sa motorista. Lacson at Sotto, binatikos ang BBM-Sara caravan




Binatikos ng Partido Reporma ang isinagawang caravan ng tambalang Bongbong Marcos at Inday Sara Duterte sa Quezon City.

Sa inilabas nilang pahayag, tinawag na malaking abala sa mga motorista ang isinagawang caravan na dinaluhan ng libo libong tagasuporta ng BBM-SARA tandem.

“Partido Reporma decried the long caravan held by presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. and his party on Wednesday for causing massive inconvenience to the riding public and motorists plying Commonwealth Avenue in Quezon City.” sabi sa pahayag ng partido.



Naniniwala sila na maaring labag sa patakaran ng Commission on Elections (COMELEC) ang ginagawa ni Marcos at Duterte lalo na’t hanggang ngayon ay may kumakalat parin na sakit.

Tinawag din nito ang atensyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) para ibestigahan ang ginagawa ng tinaguriang super tandem.

Ayon sa Partido Reporma ay sumusunod sila ng patas sa mga panuntunan ng COMELEC, kaya naman dapat imbestigahan ang BBM-Sara caravan.

“We are hoping that the Department of Interior and Local Government (DILG) and COMELEC would seriously take a look at this issue, as Partido Reporma has been doing its best to play fair this election season with utmost respect to the sentiments and safety of our countrymen.” sabi pa ng partido.



“Lacson himself once stated in a media interview that he and his running mate Senate President Vicente “Tito” Sotto Ill deliberately avoid appearing in mass caravans because they would rather speak directly to the Filipino voters so they can explain their platforms to them properly.” dagdag pa nila.

Matatandaan na humingi na ng paumanhin ang kampo ni Marcos sa abala na naidulot nila sa mga motorista.

“Humihingi na rin ng paumanhin at pang-unawa ang BBM-Sara UniTeam sa mga motorista, biyahero, pamahalaang lungsod at maging sa MMDA (Metropolitan Manila Development Authority) kung ang nasabing Unity Caravan ay nagdulot ng pagsikip sa daloy ng trapiko,”ani Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo