Libing ni Jonel Nuezca sa Urdaneta City, Pangasinan





Isang GMA balitang Amianan reporter ang sinita ng kapatid ni Jonel Nuezca matapos nitong subukan na i-cover ang libing ng dating pulis.

Sa kanyang Facebook live, ibinahagi ng reporter na si Russel Simorio na sinubukan niyang sundan ang libing ni Nuezca hanggang sa loob ng sementeryo ngunit pinigilan siya ng mga kamag anak ng dating pulis.

“Nagagalit ‘yung kapatid ni Jonel Nuezca kaya di kami makalapit sa karo.” sabi ni Russel Simorio “Pasensiya na po at condolence sa pamilya ni Nuezca”

“Walang mga tarpaulin o anumang pagkakakilanlan sa libing ni Jonel Nuezca kanina. Paraan ito ng pamilya para na rin sa kanilang proteksyon.” dagdag niya pa.

Dahil dito ay bigo siya na makakuha ng litrato ng mismong paghahatid kay Nuezca sa kanyang huling hantungan.

Sa live video naman na ibinahagi ni Simorio ay makikita ang pag uusap nila ng kapatid ni Nuezca.

“Ayoko sana ng may nagbi-video… may kaparatan naman po siguro kami bilang respeto nalang sa kapatid ko,” sabi ng kapatid ni Nuezca.

“Nananahimik kami ng matagal tapos bi-videohan niyo po kami ng ganyan?” dagdag niya pa.

Sobrang apektado na daw sila ng isyu na kinaharap ni Nuezca kaya naman ayaw na nilang mabuhay pa muli ang usapan tungkol sa ginawa ng dating pulis.



Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo