Jonel Nuezca, pumanaw na nitong Martes ng gabi




Pumanaw na si dating Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca na sangkot sa pagpatay sa mag-inang sina Sonia, at Frank Anthony Gregorio sa Tarlac noong Disyembre 20, 2020, sa New Bilibid Prison Hospital.

Ito ay kinumpirma ni Bureau of Corections spokesperson Gabriel Chaclag, nitong Miyerkules sa pamamagitan ng isang text message.  

Ayon kay Chaclag idineklarang patay si Nuezca 6:44 ng gabi nitong Martes.


Ayon pa kay Chaclag dinala umanong walang malay ng mga kapwa preso si Nuezca sa New Bilibid Prison hospital matapos umano nitong mahilo, at mag-collapse. 

"He was brought unconscious to the New Bilibid Prison hospital by his cell mates at 6:30 PM yesterday while walking outside the dormitory purposely to go to the hospital after complaining of dizziness. But while walking, he collapsed."  

Dagdag pa niya, hindi pa umano kumpirmado kung ano ang totoong ikinamatay ni Nuezca.  

"Investigation is ongoing, to determine if there is foul play , in the incident." 


Nasawi si Nuezca tatlong buwan lamang matapos siyang ha tu lang guilty ng korte ng Tarlac sa salang pagpatay sa kanyang mga kapitbahay ang mag-inang sina Sonia at Frank Anthony Gregorio, sanhi ng pagtatalo ukol sa boga explosion at right of way.  

Sinentensyahan ng Paniqui Tarlac Regional Trial Court Branch 106 si Nuezca ng reclusion perpetua o hanggang 40 years na pagkakakulong sa bawat kaso ng pagpatay.  

Pinagbayad din si  Nuezca ng halagang P952,560  sa pamilya ng mga nasawi.  




Comments

Post a Comment

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo