Naghain ng isang panukalang batas si Senador Leila De Lima na naglalayong tuldukan ang pang-aabuso sa batas na pinapayagan ang substitution ng kandidato sa pambansa at local na halalan.
Ayon kay De Lima, layunin ng panukala na amendahan ang Section 77 ng Omnibus Election Code at isama ang modipikasyon na inihain sa Section 12 ng Republic Act No. 9006 (Fair Elections Act) sa harap ng election automation at printed ballots.
“Kailangang matigil na ang ganitong sistema ng panlilinlang sa taumbayan ng mga indibidwal at partidong akala mo ay kontrolado nila ang batas kung kanilang paglaruan at paikut-ikutin,” sabi ni De Lima.
Comments
Post a Comment