Posts

Showing posts from December, 2021

Mga natamay sa Bohol dahil sa Odette umabot na sa 63

Image
Umakyat na sa 63 ang bilang ng mga namatay sa Bohol dahil sa Bagyong Odette nitong tanghali ng Linggo, sinabi ng pamahalaang panlalawigan. Ang numerong ito ay na-verify ng Department of Health at local government units, dagdag nito. Nag-post si Bohol Governor Arthur Yap sa kanyang Facebook page ng breakdown ng bilang ng mga nasawi, ito ang sumusunod: Ubay: 12 Pres. Carlos P. Garcia: 5 Loon: 5 Inabanga: 4 Catigbian: 4 Buenavista: 4 Tubigon: 3 Alicia: 3 Antequera: 3 Maribojoc: 2 Batuan: 2 Getafe: 2 Trinidad: 2 Calape: 2 Jagna: 2 Valencia: 2 Panglao: 1 Pilar: 1 Talibon: 1 Loboc: 1 Candijay: 1 Clarin: 1 Ang mga nasawi ay iniulat ng 33 LGUs, sabi ni Yap.

Pari hinimok ang mga Katoliko na iboto si VP Robredo

Image
Hinimok naman ni Fr. Robert Reyes ang buong Simbahang Katolika na suportahan si Leni Robredo. "We should support a candidate who is pro-life, pro-religion, pro-people, pro-poor of all the presidentiables Leni is the only moral choice." - Fr. Robert Reyes

De Lima, tutuldukan ang Candidate Substitution

Image
Naghain ng isang panukalang batas si Senador Leila De Lima na naglalayong tuldukan ang pang-aabuso sa batas na pinapayagan ang substitution ng kandidato sa pambansa at local na halalan. Ayon kay De Lima, layunin ng panukala na amendahan ang Section 77 ng Omnibus Election Code at isama ang modipikasyon na inihain sa Section 12 ng Republic Act No. 9006 (Fair Elections Act) sa harap ng election automation at printed ballots. “Kailangang matigil na ang ganitong sistema ng panlilinlang sa taumbayan ng mga indibidwal at partidong akala mo ay kontrolado nila ang batas kung kanilang paglaruan at paikut-ikutin,” sabi ni De Lima.

Pangulong Duterte, umatras sa pagtakbong senador sa Halalan 2022

Image
Binawi na ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes ang kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-Senador para sa Halalan 2022. Ang pag-atras ng pangulo ng bansa ay nangyari sa kaparehong araw na binawi rin ni Senador Christopher "Bong" ang kaniyang COC sa pagtakbong pangulo sa darating na halalan. “The President has filed his withdrawal from the Senatorial elections,” anunsyo ni Comelec spokesperson James Jimenez. Nauna nang italaga si Duterte ng partidong PDP-Laban na pinangungunahan ni Energy Secretary Alfonso Cusi, bilang vice presidential bet ng partido sa Halalan 2022. Pero iginiit ni Duterte na nais na niyang magretiro sa pulitika pagkatapos ng kaniyang termino bilang pangulo sa June 30, 2022. Gayunman, noong isang buwan, naghain siya ng COC sa pagka-senador sa ilalim ng substitution. Pinalitan niya si Liezl Visorde ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS). Dalawang araw bago ito, naghain si Go ng substitute COC sa pagka-presidente, sa ilalim din

Full Performance Beatrice Luigi Gomez Miss Universe 2021 preliminary

Image
Philippine bet Beatrice Gomez looks stunning in the opening of the preliminary competition of Miss Universe 2021. As part of the Philippine navy’s reserve force, she is passionate about youth empowerment, focusing on uplifting children in conflict with the law.

Malaking abala sa motorista. Lacson at Sotto, binatikos ang BBM-Sara caravan

Image
Binatikos ng Partido Reporma ang isinagawang caravan ng tambalang Bongbong Marcos at Inday Sara Duterte sa Quezon City. Sa inilabas nilang pahayag, tinawag na malaking abala sa mga motorista ang isinagawang caravan na dinaluhan ng libo libong tagasuporta ng BBM-SARA tandem. “Partido Reporma decried the long caravan held by presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. and his party on Wednesday for causing massive inconvenience to the riding public and motorists plying Commonwealth Avenue in Quezon City.” sabi sa pahayag ng partido. Naniniwala sila na maaring labag sa patakaran ng Commission on Elections (COMELEC) ang ginagawa ni Marcos at Duterte lalo na’t hanggang ngayon ay may kumakalat parin na sakit. Tinawag din nito ang atensyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) para ibestigahan ang ginagawa ng tinaguriang super tandem. Ayon sa Partido Reporma ay sumusunod sila ng patas sa mga panuntunan ng COMELEC, kaya naman dapat imbestigahan ang BBM-Sara car

Libing ni Jonel Nuezca sa Urdaneta City, Pangasinan

Image
Isang GMA balitang Amianan reporter ang sinita ng kapatid ni Jonel Nuezca matapos nitong subukan na i-cover ang libing ng dating pulis. Sa kanyang Facebook live, ibinahagi ng reporter na si Russel Simorio na sinubukan niyang sundan ang libing ni Nuezca hanggang sa loob ng sementeryo ngunit pinigilan siya ng mga kamag anak ng dating pulis. “Nagagalit ‘yung kapatid ni Jonel Nuezca kaya di kami makalapit sa karo.” sabi ni Russel Simorio “Pasensiya na po at condolence sa pamilya ni Nuezca” “Walang mga tarpaulin o anumang pagkakakilanlan sa libing ni Jonel Nuezca kanina. Paraan ito ng pamilya para na rin sa kanilang proteksyon.” dagdag niya pa. Dahil dito ay bigo siya na makakuha ng litrato ng mismong paghahatid kay Nuezca sa kanyang huling hantungan. Sa live video naman na ibinahagi ni Simorio ay makikita ang pag uusap nila ng kapatid ni Nuezca. “Ayoko sana ng may nagbi-video… may kaparatan naman po siguro kami bilang respeto nalang sa kapatid ko,” sabi ng kapatid ni Nuezca. “Nanan

Death certificate ni Jonel Nuezca isinapubliko na

Image
Isinapubliko na ng mga awtoridad ang Death Certificate ng dating pulis na si Jonel Nuezca na pumatay sa mag-inang Gregorio sa Tarlac noong nakaraang taon. Si Nuezca ay nasa loob ng bilibid ng ito ay mamatay. Ayon sa BuCor, bigla na lamang siyang nag-collapse habang naglalakad papunta ng ospital ng Bilibid at kalauna’y binawian din ng buhay. Sa parte ng Cause of Death sa kanyang Death Certificate, makikita ang mga salitang "DOA UNDETERMINED, FOR AUTOPSY." Ito ay nangangahulugan na ang mga medical personnel ay hindi pa lubusang matukoy kung ano ang aktwal na sanhi ng pagkamatay ni Nuezca. Maaalalang hinatulan si Nuezca ng husgado ng “guilty” sa pagpaslang sa mag-inang Sonia at Frank Anthony Gregorio matapos ng mainit na pagtatalo tungkol umano sa ingay ng “boga” at right of way noong nakaraang taon.

Jonel Nuezca, pumanaw na nitong Martes ng gabi

Image
Pumanaw na si dating Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca na sangkot sa pagpatay sa mag-inang sina Sonia, at Frank Anthony Gregorio sa Tarlac noong Disyembre 20, 2020, sa New Bilibid Prison Hospital. Ito ay kinumpirma ni Bureau of Corections spokesperson Gabriel Chaclag, nitong Miyerkules sa pamamagitan ng isang text message.   Ayon kay Chaclag idineklarang patay si Nuezca 6:44 ng gabi nitong Martes. Ayon pa kay Chaclag dinala umanong walang malay ng mga kapwa preso si Nuezca sa New Bilibid Prison hospital matapos umano nitong mahilo, at mag-collapse.  "He was brought unconscious to the New Bilibid Prison hospital by his cell mates at 6:30 PM yesterday while walking outside the dormitory purposely to go to the hospital after complaining of dizziness. But while walking, he collapsed."   Dagdag pa niya, hindi pa umano kumpirmado kung ano ang totoong ikinamatay ni Nuezca.   "Investigation is ongoing, to determine if there is foul play , in the incident."  Nasawi