Sen. Pacquiao kumpiyansang makukuha ang boto sa Visayas at Mindanao




Kumpiyansa si Presidential aspirant Sen. Manny Pacquiao, na makukuha niya ang suporta ng mga botante sa Visayas at Mindanao sa darating na 2022 elections.
 
"Pagdating kasi sa Presidente, I’m sure yung mga Mindanaoan tsaka Bisaya, maso-solid ko naman siguro yun dahil pareho kaming mga Bisaya. Siyempre, saan pa boboto yung mga Bisaya? Sa kapwa Bisaya," sabi ng senador sa isang courtesy call kay Bulacan Governor Daniel Fernando.

Si Pacquiao, na tumatakbo sa ilalim ng partidong PROMDI, ay tubong General Santos City at naninirahan din sa lalawigan ng Sarangani.

Samantala, ibinasura ni Pacquiao ang mga pahayag na ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbong senador sa susunod na taon ay isang pakana para maagaw ang kontrol sa Senado.

Sinabi ng boksingero na naging mambabatas na ang mga senador ay independyente at hindi maaaring diktahan ng sinuman.

"I am not in a position para husgahan ang Pangulong Duterte pagdating sa kanyang desisyon sa pagtakbo. The Senate has and will always be a congregation of 24 independent minds and I don't see any reason why it would cease to become one for any reason, " sabi ni Pacquiao.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo