Durugistang kandidato PRRD, Nagbigay ng clue
Sa kanyang talumpati sa Calapan City, Mindoro, sinabi ni Pres. Duterte na may isang presidential candidate na gumagamit umano ng cocaine.
“There is even a presidential candidate na nag-cocaine. May kandidato tayo na nagko-cocaine ‘yan. ‘Yung anak ng mayaman. Kaya nga nagtataka ako. Anong nagawa ng tao na yan?” sabi ni Pangulong Duterte.
Ang iba pang aspiranteng tatakbo sa pagkapangulo ay sina Vice President Leni Robredo, Sen. Panfilo Lacson, Sen. Manny Pacquiao, Manila Mayor Isko Moreno, dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., labor leader Leody De Guzman, at Army General Antonio Parlade Jr.
“I am just asking what contribution has he made para sa Pilipinas? ‘Yan lang ang gusto kong tanungin,” aniya pa rin.
Dapat aniyang malaman ngayon ng publiko ang tunay na pagkatao ng pinapasaringan niyang kandidato.
“Nagtataka ako sa Pilipino, di ako naiinggit, pulitika naman, may manalo, may matalo. Ganu’n rin ako noon, kung walang swerte, wala. Pero itong fascination nila sa itong kandidato na to, baka hindi talaga nila alam,” ayon sa pangulo.
Aniya pa “very weak leader” ang nasabing kandidato.
"Bahala kayo kung ano'ng gusto ninyo na tao. Inyo ‘yan. Ang akin lang pagdating ng panahon, basta sinabi ko sa inyo. And he is a very weak leader ang character niyan,” ang pahayag ng Pangulo.
“Except for the name. Ang tatay. Pero siya? Anong ginawa niya? He might win hands down, okay. If that’s what the Filipino wants, go ahead. Basta alam ninyo,” aniya pa rin.
Hindi pinangalanan ng pangulo ang kanyang tinutukoy.
Comments
Post a Comment