Bongbong Marcos negatibo sa drug test
Ito ay dahil sumailalim at negatibo ang resulta ng drug test ng dating senador.
Ito ang kinumpirma mismo niya sa isang pahayagan ngayong araw, Nobyembre 23 matapos siyang sumailalim sa drug test kahapon sa isang ospital sa Metro Manila.
Ayon kay Marcos, isinumite niya ang resulta ng kanyang cocaine test sa Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine National Police at National Bureau of Investigation.
Ayon kay Marcos, isinumite niya ang resulta ng kanyang cocaine test sa Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine National Police at National Bureau of Investigation.
“I really don’t feel that I am the one being alluded to. In spite of that, I believe it is my inherent duty as an aspiring public official to assure my fellow Filipinos that I am against illegal drugs,” pahayag ni Marcos.
Ayon sa kaniya, nagdesisyon siyang sumailalim sa drug test makaraang magpasaring si Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon umanong isang presidential candidate na gumagamit ng cocaine.
“Pagkatapos ng salita ni Pangulo. Eh di lahat tayo magpa-drug test. Eh di inunahan ko na,” ani Marcos.
Hinimok pa niya ang mga kapwa kandidato sa pagka-pangulo na sumailalim din sa drug test para masiguro na walang lider sa bansa ang lulong sa ilegal na droga.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na isang presidential candidate ang gumagamit ng cocaine.
Sa mga sumunod na talumpati ng Pangulo, sinabi nito na isang weak leader si Marcos at walang nagawa.

Comments
Post a Comment