Posts

Showing posts from November, 2021

Bong Go, umatras na sa 2022 presidential elections.

Image
Inanunsyo ni Senator Bong Go nitong Martes, November 30 na umaatras na siya sa kandidatura sa pagka-Pangulo sa Election 2022. Ito ay isang linggo matapos niyang umamin na naghihintay umano siya ng “sign from God” kung itutuloy pa ba niya ang kanyang presidential bid. “In the past few days, I realized in my heart and my mind are contradicting my actions. Talagang nagre-resist po ang aking katawan, puso, at isipan. Tao lang po ako, nasasaktan at napapagod din,”  saad ni Go sa isang interview. “Sa ngayon po, ‘yun ang mga rason ko. That is why I am withdrawing from the race,” paliwanag niya.

Bongbong Marcos negatibo sa drug test

Image
Tinuldukan na ni presidential aspirant  Ferdinand “Bongbong” Marcos na siya ang tinutukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na gumagamit ng cocaine. Ito ay dahil sumailalim at negatibo ang resulta ng drug test ng dating senador. Ito ang kinumpirma mismo niya sa isang pahayagan ngayong araw, Nobyembre 23 matapos siyang sumailalim sa drug test kahapon sa isang ospital sa Metro Manila. Ayon kay Marcos, isinumite niya ang resulta ng kanyang cocaine test sa Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine National Police at National Bureau of Investigation. “I really don’t feel that I am the one being alluded to. In spite of that, I believe it is my inherent duty as an aspiring public official to assure my fellow Filipinos that I am against illegal drugs,” pahayag ni Marcos. Ayon sa kaniya, nagdesisyon siyang sumailalim sa drug test makaraang magpasaring si Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon umanong isang presidential candidate na gumagamit ng cocaine.  “Pagkatapos ng salita ni Pangulo. Eh d

Durugistang kandidato PRRD, Nagbigay ng clue

Image
Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong isang kandidato sa pagkapangulo para sa 2022 elections ang gumagamit ng iligal na droga. Sa kanyang talumpati sa Calapan City, Mindoro, sinabi ni Pres. Duterte na may isang presidential candidate na gumagamit umano ng cocaine. “There is even a presidential candidate na nag-cocaine. May kandidato tayo na nagko-cocaine ‘yan. ‘Yung anak ng mayaman. Kaya nga nagtataka ako. Anong nagawa ng tao na yan?” s abi ni Pangulong Duterte. Ang iba pang aspiranteng tatakbo sa pagkapangulo ay sina Vice President Leni Robredo, Sen. Panfilo Lacson, Sen. Manny Pacquiao, Manila Mayor Isko Moreno, dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., labor leader Leody De Guzman, at Army General Antonio Parlade Jr. “I am just asking what contribution has he made para sa Pilipinas? ‘Yan lang ang gusto kong tanungin,” aniya pa rin. Dapat aniyang malaman ngayon ng publiko ang tunay na pagkatao ng pinapasaringan niyang kandidato. “Nagtataka ako sa

Sen. Pacquiao kumpiyansang makukuha ang boto sa Visayas at Mindanao

Image
Kumpiyansa si Presidential aspirant Sen. Manny Pacquiao, na makukuha niya ang suporta ng mga botante sa Visayas at Mindanao sa darating na 2022 elections.   "Pagdating kasi sa Presidente, I’m sure yung mga Mindanaoan tsaka Bisaya, maso-solid ko naman siguro yun dahil pareho kaming mga Bisaya. Siyempre, saan pa boboto yung mga Bisaya? Sa kapwa Bisaya," sabi ng senador sa isang courtesy call kay Bulacan Governor Daniel Fernando. Si Pacquiao, na tumatakbo sa ilalim ng partidong PROMDI, ay tubong General Santos City at naninirahan din sa lalawigan ng Sarangani. Samantala, ibinasura ni Pacquiao ang mga pahayag na ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbong senador sa susunod na taon ay isang pakana para maagaw ang kontrol sa Senado. Sinabi ng boksingero na naging mambabatas na ang mga senador ay independyente at hindi maaaring diktahan ng sinuman. "I am not in a position para husgahan ang Pangulong Duterte pagdating sa kanyang desisyon sa pagtakbo. The Sen

Mayor Sara Duterte nag-file ng COC sa pagka Bise Presidente

Image
Tatakbo si Davao City Mayor Sara Duterte sa pagka-bise presidente sa darating na Eleksyon 2022. Siya ay papalit sa pag-urong ni Lakas-NUCD VP aspirant Lyle Uy. Ngayong Sabado rin binawi ni Uy kanyang certificate of candidacy. No statement from Mr Lyle Uy after filing withdrawal as Lakas-CMD candidate for vice president @gmanews pic.twitter.com/vFzx2r3hQq — Dano Tingcungco (@danotingcungco) November 13, 2021 Atty Reynold Munsayac confirms filing of COC for Vice President on behalf of Davao City Mayor Sara Duterte, says other matters regarding substitution will be answered “in due time” @gmanews pic.twitter.com/2i4pUtYh9M — Dano Tingcungco (@danotingcungco) November 13, 2021

Sen. Risa Hontiveros, Mahaharap sa 3 na Kaso?

Image
Sinampahan ng kasong sedition, pagsisinungaling at paghaharap ng pekeng testigo sa office of ombudsman si Sen. Risa Hontiveros ng mga abogado ng Pharmally Pharmaceutical Corporation. Dahil sa manipulasyon umano sa senate investigation. Ayon sa representative ng Pharmally na si Jaime Vega, inalok daw ng kampo ni Hontiveros si Veejay Almira ng P20,000 upang tumestigo laban sa Pharmally Pharmaceutical Corporation. Si Veejay Almira ang nagkwentong may halong expired na test kits at sira-sirang face shield ang sinusupply nila sa gobyerno. Ayon kay Vegas, gusto umano pagmukain ni Hontiveros na korap ang Duterte government.

BBM, nangunguna sa survey sa pagka-pangulo ayon sa Issues and Advocacy Center

Image
Kinilala bilang most preferred presidential candidate sa rating na 23.5% o ‘very significant’ ang Standard Bearer ng Partido Federal ng Pilipinas si Ferdinand “bongbong” Marcos Jr.. Sa inilabas na resulta ng isinagawang survey ng Issues and Advocacy Center nanguna sa pinupulsuhan ng mga botante bilang pangulo sa 2022 elections ang dating senador Bongbong Marcos, na sinundan naman ni Sen. Manny Pacquiao sa rating na 19.75 porsyento, at habang 18% naman o pangatlo sa pinakamataas si Manila Mayor Isko Moreno. Nasa higit 2,400 katao  ang nakiisa at tumugon sa nasabing survey. Ayon kay Marcos, ang patuloy na suporta mula sa partido at ibang samahan na naniniwala sa kanyang plataporma ang dahilan ng magandang resulta ng isinagawang survey.