VP Leni Robredo tatakbong pangulo sa 2022 election
Ngayong araw, Oktubre 7 ay nagpahayag na kaniyang plano si Robredo sa pamamagitan ng isang briefing sa Quezon City Reception House.
“Naniniwala ako ang pag-ibig nasusukat hindi lang sa pagtitiis, kundi sa kahandaang lumaban, kahit gaano kahirap, para matapos na ang pagtitiis. Ang nagmamahal, kailangangang ipaglaban ang minamahal,” sinabi ni Robredo sa kaniyang speech.
“Buong-buo ang loob ko ngayon. Kailangan nating palayain ang ating sarili mula sa kasalukuyang sitwasyon. Lalaban ako, lalaban tayo, inihahain ko ang aking sarili bilang kandidato sa pagka-pangulo sa halalan ng 2022,” dagdag niya.
“Malinaw sa lahat ang hamon na kinakaharap natin, nakita na nating lahat ang pagsisinungaling at panggigipit na kayang gawin ng iba para maabot ang mga layunin nila. Nasa kanila ang pera, makinarya, isang buong istrukturang kayang magpalaganap ng anumang kwentong gusto nilang palabasin,” sabi ng bise presidente.
“Pero hindi kayang tabunan ng kahit anumang ingay ang katotohanan. Kung parehong uri ng pamamahala at pareho ang pagkatao ng mga magwawagi sa araw ng halalan, wala tayong aasahang pagbabago. Dito tayo po-posisyon,”
Comments
Post a Comment