VP Leni, pinaliwanag kung bakit pink ang campaign color imbes na dilaw
Aniya, iba na ang laban ngayon at lalo na at isa sa umano'y mga kakandidato ay anak ng 'diktador'.
"Yellow is a color of protesting dictatorship. Iba na ang laban ngayon. Mas malaki ang laban. Laban ito sa pagbabalik ng anak ng diktador at masamang pamamahala na sanhi ng problema na pinagdaraan natin," paliwanag ng bise presidente sa press briefing nitong Biyernes.
"Pink is also the color of protest and activism globally at the moment, and this has been chosen by the volunteers because they thought this will symbolize our aspirations to replace this existing leadership," paliwanag pa ni Robredo.
Independent na candidate si Robredo sa darating na halalan.
"I ran as an independent because it is our symbolic way of saying that bukas kami sa pakikipagalyansa sa maraming partido, "This is about inclusivity. Hindi naman ako kumandidato pagkapangulo para sa partido, kundi para pag-isahin ang lakas ng sambayanan." sabi ni Robredo.
Sinabing pinili rin niya si Senator Kiko Pangilinan bilang kanyang running mate dahil umano sa karanasan nito bilang isang mambabatas at dating naging presidential adviser sa food security.
"He is the choice that makes the most sense. I have no doubt that with him as vice president, he will take the Office of the Vice President a notch higher," pahayag ni Robredo.
Comments
Post a Comment