Rappler nagpaliwagnag sa binurang presidential survey poll




Nung nakaraang linggo, Miyerkules nang hapon, Oktubre 13, binura ng Rappler ang Facebook presidential poll nito.

Lamang ang presidential candidate na si Bongbong Marcos sa kanyang karibal na si Leni Robredo noong nangyari ang pagbura.

Ayon sa Rappler: "Mayroong mga nag-react para kay Marcos na tila Arabong accounts at kinalaunan, may mga for-Marcos pages ding nagsabing pati kay Robredo ay mayroon ding mga tila Arabo accounts na nag-react para sa kanya."


Dagdag pa ng Rappler: "Pagkakamali na gumamit kami ng Facebook poll gayung alam na naming puwede nga itong paglaruan at manipulahin kung hindi ito lalagyan ng sapat na proteksiyon laban sa mismong pagmamanipula. Nagkamali rin kami sa hindi namin pagsama sa unang pagbukas ng survey sa iba pang kandidatong tulad ni Leody de Guzman. Nakita namin ang oversight na ito sa pamamagitan ng mga nag-call out online, at naglabas kami ng bagong post at isinama si De Guzman at iba pang kandidatong tulad nina Norberto Gonzales, Jose Montemayor, at iba pa."

Narito ang iba pang pahayag ng Rappler:

"Sa mga grupo o pahina sa Facebook na minomonitor ng Rappler, karaniwang pinupuri ang mahigpit o mapagdiktang pamamalakad. Nakapokus ang kampanya nila sa pagbabaluktot ng mga tala ng kasaysayan at pagpapasinungaling sa nakaw na yaman ng mga Marcos."

"Isang istratehiya ng mga Marcos para makabalik sa MalacaƱang ay pagpapakalat ng mali o binaluktot na impormasyon sa social media. Sabay-sabay itong ipino-post at isi-share ng isang malawak na network ng mga Facebook page na hindi lantad kung sino ang humahawak, at ng mga FB group."

"Sa estratehiya ng mga Marcos, balewala ang katotohanan. Pinalalaki o iniimbento ang mga umano’y nagawa nila. Pinalalabas ding hindi inireport ng media ang mga ito dahil umano’y may kinikilingan sila."

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo