Pacquiao: Dapat ibalik ng Marcos yung nanakaw nila sa ating gobyerno
“Ayaw ko kasing manira pero ‘yung issue ng yaman na hawak ng mga Marcoses, kung ano man ‘yung nanakaw nila sa ating gobyerno, kailangan dapat ibalik ang mga sinisigaw ng taong bayan,” sabi ni Pacquiao sa ANC interview.
“At kung sakali man ako ay tatanungin at ako ay mapalad na ilagay ng taong bayan sa posisyon na ‘yan, e ire-review natin lahat ng imbestigasyon at sinasabing yaman na nakuha ng mga Marcoses, kung magkano talaga, para maibalik sa ating bansa,” dagdag niya.
Sang-ayon din si Pacquiao na dapat humingi ng tawad ang pamilya Marcos sa ginawa ng yumaong si President Ferdinand Marcos noong kanyang pamumuno.
“Sang-ayon ako diyan dahil kung nagkamali ka marunong kang humingi ng patawad,” sabi niya.
Sinabi niya na ang kapwa aspirant ng pagkapangulo at dating Senador na si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ay hindi maaaring sabihin na siya ay masyadong bata upang malaman kung ano ang nangyayari sa panahon ng rehimen ng kanyang ama.
“Doon sa sinabi ni Bongbong, sorry to say ayaw ko manira, pero ito sinabi niya na bata pa raw siya nung time na yon, which is hindi tama na sabihin na wala pa siyang alam sa mga nangyayari nung panahon ng tatay niya,” sabi niya.
“Actually nakasuot po siya ng camouflage non, ‘yung coat ng army po nung nasa Malacañang s’ya at hindi niya pwedeng sabihin na wala siyang alam,” dagdag niya.
Comments
Post a Comment