Ang matalinong payo ni VP Leni sa vote buying




Nagbigay ng payo si Vice President Leni Robredo kung paano ihahandle ng mga ordinaryong tao ang vote buying, na maaari umano nilang tanggapin ang pera na iniaalok ngunit iboto pa rin ang kandidatong gusto nila.

"Lagi kong sinasabi, tanggapin niyo kasi galing sa inyo 'yan. Pera 'yan ng taumbayan. Pero iboto mo kung ano ang nasa konsiyensiya mo," sabi ni Robredo.

"Pakiramdam nila, may utang na loob sila kasi tinanggap nila ang pera, pero hindi. Kapag namimili ng boto at iyong resulta ng eleksyon ay talo siya, mag-iisip na 'yun na hindi effective ang pagbili ng boto," Dagdag niya.

Sinabi ni Robredo na bagama't ilegal ang pagbili ng boto, mahirap mahuli ang mga salarin dahil hindi ito ginagawa sa publiko, at sa ngayon ay maaari pa ngang gawin sa pamamagitan ng electronic transfers.

Idinagdag pa ng Bise Presidente na hindi dapat hayaan ng mga botante na takutin sila ng mga mamimili ng boto sa pagsusumite dahil mananatiling lihim ang kanilang boto.  

"They are those who intimidate people by saying, malalaman ko ang boto mo. Hindi po, wala pong paraan para malaman kung ano ng binoto mo ," sabi ni Robredo.

Idinagdag ni Robredo na ang kandidatong bibili ng boto ay hindi gagamit ng sarili nilang pera para gawin ito. 

"Kung binibili niya ang boto, hindi niya gagamitin ang sarili niyang pera pa ipambili nun. May pinanggalingan iyon na hindi tama," Dagdag niya.


Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo