Mura, may mensahe para sa kaibigang si Mahal




"Susunduin niya sana ako ngayong September. Kaso wala na siya..."

Hindi akalain ni Mura na ang pagbisita ng matalik na kaibigang si Mahal sa kanilang bahay sa Albay sa Bicol ay ang magiging huling pagkikita nilang dalawa.

Kahapon August 31 nagulat ang marami matapos lumabas ang malungkot na balita na pumanaw na ang komedyante na si Mahal, o Noeme Tesorero sa tunay na buhay.


Gulat na gulat si Mura lalo na at wala naman siyang alam na iniindang sakit ang kaibigang si Mahal.

"Sabi ko maniwala kayo, diyan fake news lang 'yan, tapos nalaman ko nga dun sa nagba-vlog sa akin dito na totoo nga. Tinanong ko nga siya kung saan nakuha ang balita, sabi niya... nag-post ang kapatid na si Irene," pahayag ni Mura.   


Ito naman ang mensahe ni Mura para kay Mahal.

"Mahal, sana masaya ka sa iyong paroroon at nagpapasalamat ako sa 'yo at pinuntahan mo ako dito. Binigyan mo ako ng tulong. At sa mga kamag-anak niya, nakikiramay ako, gustuhin ko man na pumunta diyan pero papaano, mahirap ngayon eh. Pasensya na po," pahayag ni Mura. 



Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo