Kuya Kim Atienza, kumpirmadong lilipat sa GMA Network?




Kim Atienza: "I would highly suggest that you watch me on TV Patrol this coming Friday. It will be a very historical day for me on TV Patrol on Friday... I’ll tell you what’s going to happen."

Kinunan nitong Martes, September 28, ang Opening Break Bumper o OBB ng bagong programa ni Kuya Kim sa GMA Network Inc.

Sakay ng kanyang motorsiklo, leather jacket, denim jeans, at boots ang kasuotan ni Kim nang dumating siya sa GMA Network building sa Timog Avenue, Quezon City.

 

Naganap ang OBB shoot ni Kim sa lobby ng GMA-7, na nagsimula ng 9 a.m., pero hindi pa tiyak ang pamagat ng mga bagong show niya sa Kapuso network.

“Mga” dahil, diumano, dalawa at hindi lamang isa ang programa ni Kim sa kanyang bagong tahanan.

May mga nagdudang fake news ang paglipat ni Kim sa GMA-7, pero sapat nang dahilan ang sighting sa kanya sa Kapuso Network compound at sa mga pahayag niya sa Facebook Live ngayong Martes ng gabi.

“Alam ko bakit napakaraming mga viewers natin ngayon, lalung-lalo na sa Facebook, kasi may mga kumalat na post tungkol sa mga gagawin ko daw sa mga susunod na araw, mga desisyon na gagawin ko sa mga susunod na araw,” umpisa ng paliwanag ni Kim.

Patuloy niya, “For those who follow me here on Facebook and YouTube, Kuwentuhan with Kuya Kim, remember, a couple of weeks ago, I was... I told you to pray for me because I am in transition. Remember that?

“I will always be very truthful to you, my Facebook and YouTube followers, utang na loob ko sa inyo for following me and for being with me through hard times and good times.

“And that period of transition is still ongoing. Transition.

"What does transition mean? Transition is moving from Point A to Point B.

“This is what I can say: the transition is real."


Inaasahang opisyal na magpapaalam sa TV Patrol sa October 1, dahil ganito rin ang ginawa ni Ted Failon nang iwanan nito ang ABS-CBN at lumipat sa TV5 noong September 2020.

Nauna nang nagpaalam si Kim sa management ng ABS-CBN, ang TV station na naging Kapamilya niya sa loob ng halos labing-anim na taon.

Ang opisyal na pahayag at pagsalubong ng GMA-7 kay Kuya Kim bilang bagong miyembro ng Kapuso Network ang dapat abangan sa mga susunod na araw.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo