2 pulis 'kamote' rider sa Zambales, tukoy na ng PNP



Sa isang viral na Facebook post, makikita ang dalawang rider na pulis na hinahawi ang mga nakakasalubong na sasakyan habang gumagawa ng "stunts" sa pagpapatakbo nila ng motorsiklo.

Kumento ng mga netizen, malinaw na nilabag ng dalawang pulis ang mga road rules.

Kinumpirma ng PNP na mga tauhan nga nila ang dalawang rider ng motorsiklo na nakuhanan ng video na nag-e-exhibition sa national highway sa Zambales.

Kinilala ang dalawang pulis na sina Police Chief Master Sergeant Israel Bondoc at Police Master Sergeant Manuel Tolentino, na nakatalaga sa Police Regional Office 3.

Ayon kay PNP cheif General Guillermo Eleazar mapanganib ang ginawa ng kaniyang mga tauhan at maaaring makapandamay ng ibang tao kapag nagkaroon ng aksidente.

“Let this serve as a warning that we will not tolerate this kind of misbehavior because as police officers, we should serve as the role models in abiding the laws that include traffic rules and regulations,” ayon sa opisyal. 

Inatasan ni Eleazar  ang Regional Director at Highway Patrol Group na imbestigahan ang insidente bilang bahagi ng disciplinary action sa mga tauhan.

"Tukoy na natin ang mga kamote riders sa Zambales na nagviral kamakailan lang. Inaasahan nating mabilis na matatapos ang imbestigasyon at mapapatawan ng karampatang parusa ang mga pulis na ito." sabi ng PNP chief.


Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo